December 14, 2025

Home BALITA

Klea Pineda, walang balak makipagbalikan sa ex

Klea Pineda, walang balak makipagbalikan sa ex
Photo Courtesy: Klea Pineda (FB)

Tila wala sa hinagap ni “Open Endings” star Klea Pineda ang makipagbalikan sa dating karelasyon.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Oktubre 4, isa ito sa mga naitanong kay Klea nang sumalang siya sa nasabing programa.

Tanong ni Boy, “Oo, hindi, depende, makipagbalikan sa ex?”

“Hindi,” sagot ni Klea.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Pero tila bukas siyang makipagrelasyon sa kaniyang co-star. 

Matatandaang nauugnay si Klea sa “Open Endings” co-star niyang si Janella Salvador. In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.

KAUGNAY NA BALITA: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita

Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”

KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf

Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'