Naglabas ng sentimyento ang aktres na si Jasmine Curtis sa talamak na korupsiyon sa Pilipinas.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Oktubre 3, sinabi ni Jasmine na bukod sa galit, nalulungkot din umano siya sa nangyayari.
“I’m so sad. Kasi ‘yong mga estudyante natin, ‘yong mga pamilya na tuwing bagyo—kahit walang bagyo— walang proper access sa pag-aaral, sa daan na puwede nilang gamiting pantawid papuntang eskwelahan,” saad ni Jasmine.
“Galit na galit ako kasi these are basic things,” pagpapatuloy niya, “And we see it year after year, pero walang bagong nangyayari. Wala silang ginagawang changes. And they keep on becoming even greedier.”
Dagdag pa ng aktres, “How selfish! Nakaka-confuse paano nila nasisikmura ‘yon?”
Matatandaang isa si Jasmine sa mga celebrity na dumalo sa isinagawang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument noong Setyembre 21.