January 06, 2026

Home BALITA

DSWD, naghatid ng aabot sa 2000 FFPs para sa naapektuhan ng lindol sa Cebu

DSWD, naghatid ng aabot sa 2000 FFPs para sa naapektuhan ng lindol sa Cebu
Photo courtesy: Department of Social Welfare and Development (FB)

Tumungo ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga bayan sa Cebu upang ihatid ang aabot umano sa 2000 libong kahon ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng lindol. 

Ayon sa ibinahaging post ng DSWD sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Oktubre 4, 2025, sinaad nilang una silang pumunta sa San Remigio, Cebu, upang ipamahagi ang 2000 libo ng mga kahon na naglalaman ng pagkain at tubig para sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing trahedya. 

“Ang pinakahuling wing van na umalis kagabi sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue City ay nakarating na sa bayan ng San Remigio,” panimula nila sa post. 

“Karga nito ang 2,000 kahon ng family food packs (FFPs) ng DSWD para sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa malaking bahagi ng Northern Cebu,” anang DSWD. 

Metro

Update! Procession route ng Traslacion 2026 sa Enero 9

Ayon sa ulat ng nasabing ahensya, isa ang San Remigio sa mga bayang lubhang tinamaan ng lindol kung saan maraming pamilya ang nangangailangan ng suporta dahil sa mga nasira nilang kabahayan. 

“Ang San Remigio ay kabilang sa mga bayan na lubhang tinamaan ng lindol, kung saan maraming kabahayan ang nasira at maraming pamilya ang nangangailangan ng pagkain at malinis na tubig,” saad ng DSWD. 

Ayon naman sa bukod post ng DSWD nito ring Sabado, iniulat nilang nagtungo naman sila sa Medellin town, Cebu, upang ipamahagi rin ang mga nasabing family food packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol. 

“Ina-unload na ngayon sa bayan ng Medellin sa Cebu ang mga kahon ng DSWD family food packs (FFPs) na nakatakdang ipamahagi ngayong Sabado (Oktubre 4) sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol,” ‘ika ng DSWD. 

“Dahil sa kakulangan sa suplay ng pagkain, agad na ipinadala ang mga FFPs para matiyak na may pagsasaluhan ang mga pamilyang Cebuano habang unti-unti silang bumabangon mula sa trahedya,” pagpapatuloy pa nila. 

Anang DSWD, bukod sa pagkain at tubig, naglalaman din ang mga kahong ipinamahagi nila ng hygiene kits, cash aid, psychosocial support para tulungan umanong bumangon ang bawat naapektuhang pamilya. 

“Bukod sa pagkain, nagbibigay din ang DSWD ng iba pang tulong at serbisyo tulad ng malinis na tubig, hygiene kits, cash aid at psychosocial support para matulungan ang mga pamilya na makabangon,” pagtatapos pa nila. 

Ayon umano ang aksyong ito ng DSWD sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian at alinsunod sa pag-uutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na mabigyan ng lahat ng klase ng tulong para sa ating mga kababayang Cebuano na naapektuhan sa nasabing trahedya. 

MAKI-BALITA: Magnitude 6.7 na lindol, yumanig sa Bogo City, Cebu

MAKI-BAITA: MMDA, namahagi ng 2,466 na galon ng inuming tubig sa mga pamilya sa Cebu

Mc Vincent Mirabuna/Balita