December 15, 2025

Home BALITA

Clarita Carlos sa mga estudyante niya sa UP: 'Akala ko nagpromesa kayo na hindi magnakaw!’

Clarita Carlos sa mga estudyante niya sa UP: 'Akala ko nagpromesa kayo na hindi magnakaw!’
Photo Courtesy: Clarita Carlos (FB)

Nagpahaging ang dating national security adviser na si Prof. Clarita Carlos sa mga naging estudyante niya sa University of the Philippines (UP) sa loob ng anim na dekada niyang pagtuturo rito.

Sa isang Facebook post noong Sabado, Oktubre 3, isinumbat ni Carlos sa mga estudyante ang umano’y pangako ng mga ito na hindi magnanakaw.

“Hoy! mga students ko sa UP sa 60 taon ako nagtuturo, akala ko nagpromesa kayo sa akin na HINDI MAGNAKAW!” saad ni Carlos.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"Every single cent earned honestly ma’am Clarita Carlos. Every single person dealt with, no matter what social status they are from, have always been treated with integrity, dignity and respect."

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

"Love makes no promises. There's nothing you can do. They’re letting go of you"

"Kaya kayo mga TIBAK, sa bawat INDAK, tandaan may kapwa TIBAK na tinatamaan. Hindi ka nagiisa Prof kaya ako galit dito sa nagiisang studyante kong naging kupal."

"Dapat nangako sila na hindi magnakaw sa bayan maam. sa 'iyo' lang ata sila hindi nagnakaw.. natupad po nila un.."

"Meron ba sa kanila Ma'am ClaireMay post ako last Sept 21,Sabi ko mostly mga edukado Ang korap."

"Promises are meant to be broken.. just like love ,madam prof"

"Absent sila noon Maam. Nakakahiya sila, ginamit ang dunong sa masama at walang utang na loob sa nagpa-aral sa kanila bilang mga Isko at Iska!"

Matatandaang political scientist si Carlos at retiradong propesor sa UP na nakamit ang doktorado sa nasabi ring pamantasan.

Pero higit siyang nakilala nang magsilbi siya bilang isa sa mga panelist noong 2022 presidential debate na pinangunahan ng SMNI.