December 14, 2025

Home SHOWBIZ

BINI Aiah, binisita mga Cebuano na naapektuhan ng lindol

BINI Aiah, binisita mga Cebuano na naapektuhan ng lindol
Photo Courtesy: Cebu Province (FB)

Naglaan ng panahon si BINI member Aiah Arceta para bistahin ang mga kababayan niyang Cebuano na naapektuhan ng lindol kamakailan.

Sa isang Facebook post ng Cebu Province nitong Sabado, Oktubre 4, kinumusta ni Aiah ang mga nasa Emergency Operations Center (EOC) at ang mga volunteer na tumutulong sa relief operations. 

“Her visit brought smiles, energy, and encouragement to everyone on site. Thank you, BINI Aiah, for your time and support for our fellow Cebuanos!” saad sa caption.

Matatandaang nauna nang magsagawa si Aiah ng donation drive sa pamamagitan ng kaniyang outreach initiative na “Aiahdvocacy.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Umabot na sa ₱440,000 ang kabuuang halagang nalikom nila para ibigay sa mga naging biktima ng lindol sa malaking bahagi ng Cebu.