January 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

BalitaExclusives: 'Teachers day o ritwal?' Kuwelang sorpresa sa isang guro, may nakakaantig na kuwento!

BalitaExclusives: 'Teachers day o ritwal?' Kuwelang sorpresa sa isang guro, may nakakaantig na kuwento!
Photo courtesy: Kirsten Chlyde Barrientos

“Sir, may nagsusuntukan po sa room!” 

Hindi ba’t laging ganito ang kadalasang script ng mga estudyante upang simulan ang plano nila sa pagsorpresa sa kanilang guro tuwing sasapit ang selebrasyon ng Teachers’ Day? 

Maging sa mga guro, tila gasgas na ang ganitong pakulo kaya karamihan sa kanila ay hindi na nagugulat kapag sinabihan ng ganitong acting ng mga bagets. 

Ngunit ano kaya ang mararamdaman ng isang guro kapag makararanas siya ng isang sorpresa na kakaiba sa tipikal na nilang nasaksihan tuwing ipinagdiriwang ang araw para sa kanilang propesyon? 

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Kamakailang nag-viral sa TikTok ang isang video na inupload ng user account na Vivies of Viridian tungkol sa pagsopresa na tila nagriritwal hawak ang mga kandila para sa kanilang guro sa Oriental Mindoro National High School. 

Photo courtesy: Vivies of Viridian (TikTok)

Photo courtesy: Vivies of Viridian (TikTok)

Sa ekslusibong panayaman ng Balita sa gurong makikita sa video na si Teacher Robert Umandal at dalawa niyang estudyante na sina Rhyza Santos at Michael John Candor nitong Sabado, Oktubre 4, 2025, ibinahagi nila ang naging pangyayari sa nasabing viral video ngayon sa social media. 

“May nakita pong video si Rhyza sa TikTok, ‘yong paggawa po nila is parang ritualistc. We found it funny po so we decided to recreate it din po para sa pagbati namin kay Sir Robert,” saad ni Michael. 

Pagdagdag naman ni Rhyza, “Sa tingin po namin, napasaya po namin si Sir Robert. Kasi po, nagulat po talaga siya noong pagbukas niya po ng pinto na ganito po ‘yong way ng pagpapakita po namain na we value him po as teacher.” 

Sa perspektiba naman ni Sir Robert, 12 taon nang nagtuturo sa pampublikong paaralan, unang beses umano niyang makaranas ng ganoong paraan ng pagsorpresa sa kaniya ng kaniyang mga tinuturuan. 

“First time kong maka-experience ng gano’ng pagsorpresa. Although, every year naman nakaka-experience ako ng from my [former] advisory class pero first time po ang ganitong uri ng celebrations from my students[...]”

“Kumbaga, noong pagpasok ko pa lang sabi ko, ‘bakit ganito naman?’ Dahil dati, from my previous students mayroon parang [may] celebration, ang saya, hindi rin naman ako aware na may mga gano’n na pala [ngayong] program na ginagawa for teachers,” pagbabahagi ng guro. 

Pagpapatuloy pa ni Sir Robert, nagpapasalamat umano siya sa kaniyang mga estudyante dahil hindi lang basta kuwelang ritwal ang bagay na pumasok sa isip niya nang makita ang mga batang may hawak ng kani-kanilang kandila, tila mas dumagdag umano ito sa apoy at motibasyon niya para mas pagbutihin pa ang kaniyang pagtuturo. 

“Sa ginawa nila [na] lighted candles, it also provides an igniting power to continuously fire up my burning desire to teach. Kasi it might be just a candle na nakakatuwa at mostly ginagamit sa mga ritual or mga lamay, pero it is also the same candle na ginagamit kapag madilim ang paligid at walang ilaw or kuryente. Para sa ‘kin, it provides different meanings,” anang guro. 

“Hindi ako binigo ng aking advisory class. They always surprise me and they always make me proud of them,” dagdag pa niya. 

Pagbabahagi pa ni Sir Robert, natitiyak umano niyang tatatak sa isip niya ang naranasan niyang espesyal na selebrasyong handog ng kaniyang mga estudyante at naging mas espesyal umano sa kanila ito dahil sa pag-trending nito online. 

“Kasi for me, as a teacher, tatatak ‘yon sa akin na one time ay na-experienced ko ‘yon. Also, hindi rin namin ini-expect na after that celebration, kinabukasan ay trending na ‘yon sa TikTok at andami nang views. So parang double surprise ‘yong nangyari sa amin,” ‘ika ni Sir Robert. 

Ibinahagi rin ng guro na malaking tulong umano ang kahit mga simpleng paraan ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month dahil nararamdaman nilang pinahahalagahan at nirerespeto sila ng mga bata. 

“With this kind of celebration, World Teachers’ day, nararamdaman namin na we feel valued, respected, and special[...] As a teacher, ang nagpo-force sa amin to be motivated in teaching is ‘yong ganitong uri ng celebration at ganitong uri ng mga students. They always admire, respect, surprise, and give emphasis on what I am doing for them[...]

“At ‘yong product na parang bang return of investment. One time, may mga lalapit sa ‘yong students mo [dati at malalaman mong] teacher at mga professionals na rin sila then sasabihin nilang ‘Sir, thank you po for having you as our teacher.’ 

“At ‘yong mga students na hindi nakakalimot. Like every teachers day, lagi silang magcha-chat sa iyo na ‘Sir, happy teachers’ day po’ kahit napakatagal na sila’y nag-graduate[...] Kapag pala na-feel mo na ikaw ay pinapahalagahan at nirerespeto, mas pinagbubutihan mo ‘yong trabaho mo,” pagbabahagi ng guro. 

Nagbigay naman ng mensahe si Rhyza at Michael para sa kanilang guro para sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon. 

“We would like to thank them po for their effort kasi madami po kaming students sa school and parang nakakaya po nilang i-handle po lahat ng students[...] We are really thankful for them for all the efforts and all the lessons they taught us,” ani ni Michael.

“I would like to thank all the teachers out there for their endless support and dedication to teaching us. Kasi sa amin po, we think that the teachers are the second parents in school. Sila po naggagabay sa atin,” ayon naman kay Rhyza. 

Nag-iwan din ng mensahe si Sir Robert para sa kaniyang mga estudyante at kapuwa kaguruan sa larangan ng pagtuturo. 

“To my students, lagi ko naman sinasabi sa inyo na just continue achieve more, mag-aral kayo, mas maging mabuti kayo. Higit sa matalinong students ay ang mabuting students. Dapat po na their always goal na kung matalino ka, ‘yong behavior mo is appropriate with your academic ability. Nagpapasalamat po ako sa mga estudyante ko na rumerespeto, nagpapahalaga, at nagmamahal sa akin,” mensahe ng guro para sa mga bata. 

“Let us continue inspiring our students, let us continue teaching our students, and let us continue to love our students. They are our future, they are our investment, they are our motivation, and they are our pride. So kung ano ‘yong ginawa natin sa kanila, that will reflect on what kind of students they would be in the future,” pagtatapos ni Sir Robert. 

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Paano totoong mapahahalagahan ang mga guro sa Pilipinas?

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: ‘Worth it’ pa bang maging guro sa panahong magulo, puno ng pagbabago?

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Dedikasyon at Disiplina: Ang kuwento ng 'Perfect Attendance' ni Teacher Mabelle Apuada

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita