December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Aftershocks sa Cebu, umabot na sa higit 5,000

Aftershocks sa Cebu, umabot na sa higit 5,000
PHIVOLCS

Pumalo na sa 5,228 ang naitalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong 12 pm ng Sabado, Oktubre 4, sa Cebu, matapos ang pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol dito kamakailan. 

Ayon sa kanilang update, ang 1,023 dito ang plotted sa MECP ( station sa Medellin, Cebu, habang 22 ang naiulat na naramdaman ng mga residente sa kanilang komunidad. 

Nailathala rin na ang mga pinakamalakas na aftershock ay nasa magnitude 5.1 at ang mahihinang pagyanig ay mula magnitude 1.0 hanggang 3.0. 

Tiniyak ng ahensya na habang inaasahan ang patuloy na aftershocks sa mga susunod na araw, mas magiging mahina na ang intensidad nito. 

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Matatandaang niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang probinsya ng Cebu noong gabi ng Setyembre 30, kung saan ang epicenter nito ay nasa Bogo City.

Samantala, dumagsa naman ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno bilang pag-aabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol. 

Sean Antonio/BALITA