December 20, 2025

Home BALITA

UC students, bumuo ng app para tulungan mga apektadong residente ng lindol

UC students, bumuo ng app para tulungan mga apektadong residente ng lindol
Photo courtesy: Clint Alonzo/FB

Bumuo ng isang digital application ang tatlong mag-aaral mula sa University of Cebu - Main Campus upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu kamakailan.

Ang application na binuo nila ay magsisilbing koneksyon ng mga residenteng apektado ng lindol at sa mga nais tumulong sa kanila. May “feature” ito na kung saan maaari nilang i-pin ang kanilang mga lokasyon at ideklara kung ano man ang mga pangangailangan nila, nang sa gayon ay matanggap ito ng mga “volunteers” at mabigyan sila ng tulong.

Ibinahagi ni Clint Alonzo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 2, ang inisyatibong isinagawa nila upang matulungan ang mga kababayang naapektuhan ng nasabing lindol.

“Cebu, we are with you. In these challenging times, every cry for help matters. That’s why Vince Datanagan, Ralph Adriane Dilao, and I developed a simple app to connect those in need with those who can help,” ani Alonzo.

“For those in need: Pin your location to request urgent relief. Describe your needs—food, water, medicine, shelter, and more,” dagdag pa niya.

Nananagawan din siya sa mga Local Government Units, Non-Government Organizations, at iba pa, na makibahagi sa nasabing inisyatibo.

“For kind-hearted donors, LGUs, NGOs, and other charitable orgs: View real-time requests (pinned location) and view details on the map and respond where help is needed,” aniya.

Ayon pa kay Alonzo, hindi lamang ito isang app, isa umano itong “Bayanihan made digital.”

“This app is just our way to help and contribute. Any bugs or errors—please report them to us. This isn’t just an app—it’s Bayanihan made digital,” ani Alonzo.

“Every pin represents a family. Every pin represents a life. Let’s come together, Cebu. Help will find its way,” dagdag pa niya.

Sa hiwalay na Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 3, nagbahagi si Alonzo ng isang update ukol sa pagpapahusay ng app, upang mas maraming “requests” ang mahawakan nito.

“Hi everyone! We are currently working on improving our web application to handle the increasing number of requests more efficiently. Your patience and understanding are greatly appreciated as we enhance its features and performance to serve you better. Thank you for your support,” aniya.

Matatandaang personal na tumungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte upang tingnan ang lagay ng mga apektadong residente ng lindol.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, personal na bumisita sa Bogo City, Cebu-Balita

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara bumisita sa Cebu, nakisimpatya sa naapektuhan ng lindol-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA