December 13, 2025

Home BALITA National

Typhoon 'Paolo,' humina na bilang severe tropical storm; wind signal no. 4, inalis na

Typhoon 'Paolo,' humina na bilang severe tropical storm; wind signal no. 4, inalis na
DOST-PAGASA

Mula "typhoon" category, humina na bilang severe tropical storm si "Paolo," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 5:00 PM weather bulletin ng PAGASA ngayong Biyernes, Oktubre 3, inalis na ang tropical cyclone wind signal no. 4 sa ilang lugar sa Northern Luzon bunsod ng paghina ng bagyong Paolo.

Huling namataan ang bagyo sa baybayin ng Santa Cruz, Ilocos Sur habang taglay ang lakas ng hangin na abot sa 110 kilometer per hour malapit sa sentro at pagbugsong 165 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 35 kilometers per hour. 

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Bagama't wala nang wind signal no. 4, nananatili pa rin sa wind signal no. 3 sa ilang lugar sa Luzon.

Ilocos Sur
La Union
Southwestern portion ng Abra 
Western portion ng Kalinga
Western portion ng Mountain Province
Western portion ng Ifugao
Benguet

WIND SIGNAL NO. 2
Southern portion ng Ilocos Norte
Pangasinan
Nalalabaing bahagi ng Abra
Nalalabaing bahagi ng Kalinga
Nalalabaing bahagi ng Mountain Province
Nalalabaing bahagi ng Ifugao
Western portion ng Isabela (
Northwestern portion ng Quirino
Northern at central portions ng Nueva Vizcaya
Northernmost portion ng Nueva Ecija 

WIND SIGNAL NO. 1
Nalalabaing bahagi ng Ilocos Norte
Apayao
Batanes
Mainland Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Nalalabing bahagi ng Isabela
Nalalabing bahagi ng Quirino
Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya,
Aurora
Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Pampanga
Bulacan
Northern portion of Quezon kabilang ang Polillo Island

Inaasahang lalabas ang bagyo bukas ng umaga, Sabado, Oktubre 4.