December 13, 2025

Home BALITA National

Rep. Barzaga, isiniwalat na tao ni Lacson nagbigay ng larawan niyang kasama mga Discaya

Rep. Barzaga, isiniwalat na tao ni Lacson nagbigay ng larawan niyang kasama mga Discaya
Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB), BALITA FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga na mula umano sa mismong tao ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman at Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, Sr., ang larawang inupload niya sa social media kung saan makikitang kasama ng senador ang mga kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya. 

Ayon sa ipinahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook nitong Biyernes, Oktubre 3, 2025, sinabi niyang tao unano ni Lacson ang nagkalat ng larawan naturang larawan.

Dagdag pa ni Barzaga, tila pati sariling kasamahan umano ni Lacson ang nagsisisi sa pagboto sa kaniya. 

“Tao ni Lacson ang nagleak ng Discaya photo, pati sarili niyang team nagsisisi na sa pagboto sa kanya,” saad ni Barzaga. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga (FB)

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga (FB)

Kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ng kongresista. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Barzaga:

“Ilabas na lahat ng baho.” 

“Laglagan naaaa.” 

“The intels of meow.” 

“Kaya pala Congressman Kiko Barzaga pareho silang tuta ni romualdez si lacson at tuta sotto.” 

“Marami pa ang mag meow meow para makilala lhat ng mga protector ng mga buwaya.” 

“Spy from spy from within.” 

“Lacson dinali kana ng mga tao mo oh. Umamin kna mg hearing kana tingo muna ang plunderer”

“Kaya nmn pla.. Panay paglilihis. Gusto mging safe. Nwehehehe” 

“Tinuloy nalang sana ni Ping retirement niya, nakabuti pa sa kanya.” 

Matatandaang binigyang-linaw na ni Lacson ang larawan niyang kasama ang mag-asawang Discaya na kamakailang isinapubliko ni Barzaga noong Setyembre 30, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Lacson, nilinaw dahilan sa larawang kasama sina Curlee, Sarah Discaya na inupload ni Rep. Barzaga

“[P]lease investigate the validity of this image of Senator Lacson’s private meeting with the Discayas,” saad ni Barzaga sa kaniyang post.

Ayon sa pahayag ni Lacson noong Oktubre 1, 2025, kuha umano ang nasabing larawan niyang kasama ang mga Discaya noong Abril 2025 bago matapos ang midterm election.

Isang campaign supporter umano mula sa Davao City ang nagdala ng anak ng mag-asawang Discaya sa kaniyang opisina sa Taguig City para imbitahan siya sa grand rally na gagawin umano nila sa isang probinsya sa Davao.

Hindi umano niya tinanggap ang pag-iimbita ng mga Discaya at iyon umano ang una’t huli na nakasalamuha niya ang mag-asawang kontratista sa labas ng Blue Ribbon Committee hearings tungkol sa maanomalyang flood-control projects.

Mc Vincent Mirabuna/Balita