January 24, 2026

Home BALITA

Quezon City LGU, magbibigay ng P10M financial assistance sa Cebu

Quezon City LGU, magbibigay ng P10M financial assistance sa Cebu
Photo courtesy: Contributed photo

Nagpahayag ng pakikiisa at pakikiramay ang Quezon City local government unit (LGU) sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Sa kanilang opisyal na Facebook page, inihayag ng QC LGU ang nakatakda nilang pagpapaabot ng tulong-pinansyal sa Cebu. 

“Nakikiisa at nakikiramay ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa ating mga kababayan sa Cebu matapos ang matinding 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa kanilang probinsya,” anang QC LGU.

Kaugnay nito, nakatakdang magbigay ng ₱10 milyon ang QC LGU, kung saan hahatiin ito sa 9 na mga bayan sa Cebu.

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

“Maglalaan din ang Lungsod ng Quezon ng ₱10 milyon na financial assistance, tig-₱1 milyon para sa siyam na bayan at isang lungsod sa Cebu, upang makatulong sa kanilang mga programa sa rehabilitasyon at pagbangon,” saad ng QC LGU. 

Kaugnay nito, nabanggit din ng QC LGU sa kanilang pahayag na nakapagpadala na raw sila ng 26 personnel na pawang mga engineers, psychosocial team at technical crew.

Anila, “Sa kabuuan, 26 personnel mula sa QC Government ang dumating na sa Cebu ngayong araw para makatulong.”

Matatandaang noong Martes, Setyembre 30 nang tumama ang nasabing lindol sa Cebu. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 3,685 na aftershocks ang kanilang naitala, at inaasahang magpapatuloy pa raw ito sa mga susunod na araw.

“Inaasahan natin na magkakaroon pa ng mga aftershocks in the next few days. Sometimes the aftershocks would last for several weeks,” PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol.

KAUGNAY NA BALITA: 3,685 aftershocks sa Cebu, naitala ng PHIVOLCS