December 15, 2025

Home BALITA National

Para sa mga binagyo at nilindol: PCSO, may Aid Caravan Sunday sa Masbate at Cebu

Para sa mga binagyo at nilindol: PCSO, may Aid Caravan Sunday sa Masbate at Cebu

Nakatakdang magsagawa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Aid Caravan Sunday upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Opong" sa Masbate at mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu. 

Ayon sa PCSO, aalis ang kanilang caravan sa Maynila sa Linggo, Oktubre 5, at maghahatid ng mga relief supplies sa mga naturang apektadong lalawigan.

Kabilang umano sa mga resources na kanilang idi-dispatch ay 11 patient transport vehicles (PTVs) para sa Cebu, kasama ang limang dump trucks mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na siyang maghahatid ng relief items. 

Upang matiyak ang maayos na suplay ng tulong, ang convoy ay kinabibilangan rin ng limang wing vans at isang bus na puno ng mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo at lindol.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Ang Masbate ay kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity matapos na hagupitin ng bagyong Opong habang ang Cebu naman ay kasalukuyan ring nangangailangan ng tulong matapos na yanigin ng malakas na lindol noong Martes ng gabi lamang.

“We can not turn away from the suffering of our fellow Filipinos in Masbate and Cebu,” ayon kay PCSO General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles.

“Our duty is clear: to respond and continue helping until aid reaches every corner of these communities,” aniya pa.

Siniguro rin naman ni Robles na sila ay committed sa pagsuporta at pagkakaloob ng kinakailangang tulong sa mga kababayan nating apektado ng mga naturang kalamidad.

“Through these efforts, we uphold our principle of ‘Hindi Umuurong sa Pagtulong,” aniya pa.