January 26, 2026

Home BALITA

Kilalang funeral home, magbibigay ng libreng serbisyo sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Kilalang funeral home, magbibigay ng libreng serbisyo sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu
Photo courtesy: Contributed photo

May alok na libreng funeral services ang isang kilalang funeral home para sa mga namatayan ng mahal sa buhay bunsod ng pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Sa Facebook post ng St. Peter Life Plan and Chapels noong Huwebes, Oktubre 2, 2025, inihayag nitong maaaring makipag-ugnayan ang mga biktima ng nasabing lindol sa tatlong branch nila sa Bantayan, Bogo City at Danao City, Cebu.

“We extend our deepest sympathy and unwavering solidarity to all our Kababayans in Cebu following the devastating magnitude 6.9 earthquake that struck on the evening of September 30, 2025,” anang St. Peter.

Dagdag pa nila, “During this extremely difficult time, St. Peter Chapels will provide free funeral services for those who lost their lives during the Cebu earthquake as our support to their grieving families.”

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ibinahagi rin ng St. Peter ang direktang contact number kung saan maaaring makipag-ugnayan ang lahat ng mga apektado.

Anila, “Families needing assistance may contact the St. Peter Chapels directly through Customer Support at (02) 8371 9999, (02) 7946 9999, and 09190569999, or visit any of our nearest chapels in Cebu City.”

Matatandaang noong Setyembre 30 nang tumama ang naturang lindol sa Cebu kung saan umabot na sa 72 katao ang naiulat na nasawi ayon sa tala ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Huwebes ng umaga, Oktubre 2.

“Nadagdagan po ng tatlo overnight, from 69, 72 na po ang namatay and more than 200 po ang injured," sabi ni Office of Civil Defense (OCD) Region 7 Director Joel Erestain sa isang panayam sa Unang Balita.

Sa Bogo City ang epicenter ng nasabig lindol kung saan tinatayang nasa 47, 221 pamilya ang naapektuhan na katumbas ng 170, 959 mga indibidwal habang 200,000 katao ang nawalan ng tirahan.