May 21, 2026

Home BALITA National

Higit P70 milyong Super Lotto 6/49 jackpot, 'di napanalunan!

Higit P70 milyong Super Lotto 6/49 jackpot, 'di napanalunan!
PCSO/FB

Walang nagwagi sa mahigit P70 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng PCSO nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 2. 

Ayon sa PCSO, walang nakahula sa winning numbers ng Super Lotto na 26-06-28-41-46-25 na may kalakip na premyong P70,194,470.20. 

Gayunpaman, may 12 nakakuha ng second prize na may halagang P50,000.

Bukod sa Super Lotto, wala ring nanalo sa Lotto 6/42 jackpot prize na P5,940,000.00.

Ang winning numbers ay 17-36-12-15-25-39.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga premyo sa susunod na draw.

Binobola ang Super Lotto 6/49  tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.