Walang nagwagi sa mahigit P70 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng PCSO nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 2.
Ayon sa PCSO, walang nakahula sa winning numbers ng Super Lotto na 26-06-28-41-46-25 na may kalakip na premyong P70,194,470.20.
Gayunpaman, may 12 nakakuha ng second prize na may halagang P50,000.
Bukod sa Super Lotto, wala ring nanalo sa Lotto 6/42 jackpot prize na P5,940,000.00.
Ang winning numbers ay 17-36-12-15-25-39.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga premyo sa susunod na draw.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.