December 13, 2025

Home BALITA

'Grabeng magsinungaling!' Trillanes, pinabulaanan pagbisita kay FPRRD

'Grabeng magsinungaling!' Trillanes, pinabulaanan pagbisita kay FPRRD
Photo Courtesy: Antonio Trillanes (FB), via MB

Itinanggi ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na binisita niya ang nakapiit na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa custodial facility nito sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB nitong Biyernes, Oktubre 3, sinabi niyang kasinungalingan umano ang mga pinapakalat ng magkakapatid na Duterte sa publiko.

“Hindi po ako ang bumisita kay Duterte,” saad ni Trillanes. “At napakadali hong malaman niyan kasi nai-discuss po sa amin ng ICC  [International Criminal Court] ang mga polisiya do’n sa ICC detention center. Na si Digong mayro’n siyang access sa telepono. Buong araw, buong gabi kaya niyang tawagan si Sara.“

“Kung mayro’ng mga pangyayari do’n na hindi niya gusto, nasasabi niya. Kaya itong sinasabi ni Sara sa publiko, ito ay pinabulaanan na. Grabeng magsinungaling itong magkapatid nab ito,” dugtong pa niya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang kinuwesiyon ni Davao 1st district Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pagpapapunta umano ng mga “bangag” kay Trillanes para magsagawa ng welfare check sa tatay niya.

Maki-Balita: ‘Baka magkalat ka ng virus mo diyan!’ Pulong, may pasaring kay Trillanes

Ito ay matapos ibahagi ni Trillanes sa kaniyang Facebook account ang kuhang larawan niya sa labas ICC. 

Samantala, nauna nang pabulaanan ng dating senador ang insidenteng nangyari kay Duterte na nawalan umano ng malay sa facility nito.

“Hindi po totoo ‘yon,” ani Trillanes.

Maki-Balita: Trillanes, sinabing 'sanay mambudol' pamilyang Duterte