January 24, 2026

Home BALITA

DOLE, iimbestigahan nangyari sa ilang BPO workers na pinabalik sa trabaho matapos ang lindol sa Cebu

DOLE, iimbestigahan nangyari sa ilang BPO workers na pinabalik sa trabaho matapos ang lindol sa Cebu
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN, contributed photo

Nanindigan si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma na dapat mauna ang kaligtasan ng mga manggagawa, hinggil sa umano’y isyu ng ilang call center workers na pinilit daw papasukin sa kabila ng pagtama ng lindol sa Cebu noong Setyembre 30, 2025.

Sa isang radio interview kay Laguesma nitong Biyernes, Oktubre 3, iginiit niyang nakipag-ugnayan na raw sila sa isang regional director upang alamin ang naturang insidente.

“Nagbigay tayo ng instruction sa ating regional director si Atty. Buenafe upang matingnan kaagad at mahalaga po yung kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa,” ani Laguesma.

Saad pa ni Laguesma, naghain na raw ng sulat sa kanila ang mga call center workers upang pormal na maihayag ang kanila raw pinagdaanan.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

“Letter of requesting dialogue po upang isaad siguro ang kanilang mga grievances or karaingan at ‘yan po ay magaganap sa Lunes,” saad ni Laguesma.

Dagdag pa niya, “Kailangan din po nating makita kung sino-sinong mga kumpanya nang sa ganoon po ay maging patas or impartial ang gagawin po natin, upang ma-determine po namin kung ano ang dapat gawing aksyon.”

Matatandaang noong Martes, Setyembre 30 nang tumama ang nasabing lindol sa Cebu. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 3,685 na aftershocks ang kanilang naitala, at inaasahang magpapatuloy pa raw ito sa mga susunod na araw.

“Inaasahan natin na magkakaroon pa ng mga aftershocks in the next few days. Sometimes the aftershocks would last for several weeks,” PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol.

KAUGNAY NA BALITA: 3,685 aftershocks sa Cebu, naitala ng PHIVOLCS