December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Pagbabate nang 21 beses kada buwan, makakatulong iwasan ang prostate cancer?

ALAMIN: Pagbabate nang 21 beses kada buwan, makakatulong iwasan ang prostate cancer?
Photo Courtesy: Freepik

Ang prostate cancer ang ikatlo sa pinakanangungunang uri ng cancer na tumatama sa kalalakihan sa buong Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Nagsisimula umano ang prostate cancer kapag lumalaki ang masasamang selula sa prostate gland na responsable sa paggawa ng semen. 

Karaniwan umanong tinatamaan ng prostate cancer ay kalalakihang may edad 50 pataas, obese, o may kasaysayan ang pamilya sa pagkakaroon nito.

Ayon sa DOH, wala umanong malinaw na dahilan kung bakit nagkakaroon ng prostate cancer ang isang lalaki. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Ngunit bukod sa ilang sintomas tulad ng hirap sa pag-ihi, pag-ihi ng dugo, pagsakit ng likod o balakang, may ilang paraan umano para matukoy ito agad sa pamamagitan ng prostate-specific antigen (PSA) o digital rectal exam (DRE).

Samantala, kaakibat naman nito ang isang magandang balita na ang pagsasarili umano ay nakakatulong para maiwasan ang ganitong uri ng cancer.

Ayon sa isang artikulo ng WebMD, lumalabas umano sa mga pag-aaral na ang mga lalaking nagbabate ng 21 beses kada buwan ay may mababang risk na magkaroon nito kumpara sa kalalakihang apat o pitong beses lang itong ginagawa sa isang buwan. 

Suspetsa rin ng urologist na si Dr. Ryan P. Dorin na ang dalas ng pagbabate laban sa prostate cancer ay maitutumbas din sa dalas ng pakikipagtalik.

Ngunit paano nga ba nakakatulong ang pagbabate at pakikipagtalik na maibaba ang risk ng prostate cancer sa kalalakihan?

"When men ejaculate, the prostate gland releases fluid that can potentially flush out toxins from the prostate gland,” paliwanag ni Dr. Dorin.

Dagdag pa niya, "It’s possible that doing this more regularly helps keep cancer-causing substances at bay too."

Batay din umano sa Hartford Healthcare, nakakatulong ang pakikipagtalik para ma-improve ang daloy ng dugo sa prostate gland na siyang nagdadala ng oxygen at nutrients habang tinatanggal ang mga dumi rito.

Pero sa huli, tandaang mas mahalaga pa ring mapayuhan ng mga eksperto sakali mang maramdaman ang mga nabanggit na sintomas ng prostate cancer. 

Gayundin, isabay ang responsableng pagsasarili sa regular na pag-eehersisyo at pagkonsumo ng mga pagkaing may sapat na nutrisyon.