December 12, 2025

Home BALITA

1,200 flood control projects, naibulsa ng mga Discaya mula 2016-2025; P300B, ipapataw na penalty!

1,200 flood control projects, naibulsa ng mga Discaya mula 2016-2025; P300B, ipapataw na penalty!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na umabot sa 1,214 flood control projects ang napasakamay ng mga Discaya mula 2016 hanggang 2025.

Sa kaniyang press briefing nitong Biyernes, Oktubre 3, 2025, ipinaliwanag ni Dizon ang magiging halaga umano ng penalty laban sa mga Discaya. 

“1,214 flood control projects of Discaya from 2016 to 2025. It's roughly close to ₱80 billion (₱77.934 billion),” ani Dizon.

Dagdag pa niya, “So yari sila, mas malaki pa pala yung penalty nila (₱300 bilyon) doon sa contract amount na ‘yan. The maximum penalty is ₱250 million per contract. But I guess, that depends on how much the contract is.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ikinumpara din niya ang kabuuang halaga raw ng naiuwi ng mga Discaya na katumbas daw ng pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa loob ng isang taon.

“Ganto lang, ang budget ng buong Department of Transportation (DOTr) in 2025 ay ₱80 billion lang. So yung kontrata palang nina Dsicaya, mas malaki na sa budget ng buong DOTr for one year,” saad ni Dizon.

Matatandaang ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang isa sa mga konratista ng gobyerno na umaming nakatanggap ng malalaking kontrata para sa flood control projects kung saan ikinanta rin nila ang mga umano’y ilang kawani ng DPWH at mga kongresista na parte ng pangungulimbat sa halaga ng kontratang kanilang nasusungkit.

Kabilang sina dating House Speaker Martin Romualdez, at dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa mga mambabatas na kanilang ikinanta.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Samantala, kasalukuyang nasa ilalim ng provisional period ng Witness Protection Program ang mga Discaya kasama ng ilang dating tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Engr. Brice Hernandez, Engr. Henry Alcantara, Jaypee Mendoza at dating Undersecretary Roberto Bernardo.

KAUGNAY NA BALITA: 'Protect them from harm, not from liability!' DOJ may nilinaw sa pagpasok ng mga Discaya, ex-DPWH officials sa 'witness protection'