December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Taong 2021 pa ito pinakita sa akin!' Rudy Baldwin, nahulaan lindol sa Cebu?

'Taong 2021 pa ito pinakita sa akin!' Rudy Baldwin, nahulaan lindol sa Cebu?
Photo courtesy: Rudy Baldwin (FB)/via MB

Marami sa mga netizen ang nangilabot nang balikan ang matagal nang prediksyon ng fortune teller na Rudy Baldwin, na magkakaroon ng malakas na paglindol sa Cebu.

Martes ng gabi, Setyembre 30, ayon sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ng magnitude 6.7 ang Bogo City sa Cebu, na nagdulot ng pagkasira ng mga imprastraktura at casualties sa nabanggit na lungsod, gayundin sa mga karatig-lugar. Kalaunan, itinaas nila sa magnitude 6.9 ang naitalang lakas ng nabanggit na pagyanig.

Miyerkules ng umaga, Oktubre 1, dito na tumambad ang iba't ibang mga sitwasyon ng mga ari-ariang nawasak at buhay na nawala, na aftermath ng nabanggit na lindol.

Kaya naman, sa tuwing nagkakaroon ng mga matinding pangyayari sa bansa at mundo, kagaya na lamang ng mga kalamidad, agad na binabalikan ng mga netizen ang mga inilabas na prediksyon noon ni Rudy.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Ilan nga sa mga netizen ang nangilabot dahil tila nagkatotoo raw ang naging hula noon ng fortune teller na magkakaroon ng malalang lindol sa Cebu.

Ibinahagi pa ng mga netizen ang screenshots ng kaniyang Facebook post bilang "resibo."

Naka-highlight pa ang bahaging dahil sa malakas na lindol, mapipinsala ang isang simbahan.

Photo courtesy: via Rudy Baldwin/FB

Isa sa mga napinsala sa nabanggit na lindol ay ang "Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima" sa Bogo City, na isa sa mga maituturing na heritage landmark ng Cebu.

Ibinahagi naman ni Rudy sa kaniyang Facebook post ang mga post naman ng mga netizen tungkol dito.

Paliwanag niya, matagal na niyang sinabi ang tungkol sa lindol sa Cebu, noon pang 2021, at inulit pa niya noong 2024, at ngayong 2025.

"TAONG 2021 PA ITO PINAKITA SA AKIN .BINANGGIT KO DIN ULIT ITO NG 2024 AT PINAALALA KO ULIT DALAWANG BESES ITONG TAONG 2025.UPANG LAHAT AY MAKAPAG INGAT AT HANDA," aniya.

Binanggit din ni Rudy na posibleng masundan pa raw ang mga paglindol at posible ring magkaroon ng tsunami.

"MGA TAGA CEBU MASUNDAN PA PO ITO NG ISANG PANG MALAKAS NA LINDOL AT DALAWANG YANIG NA TAMA LANG ANG LAKAS AT MAGING HANDA SA DALAWANG TSUNAMI NA MANGYARI PA LAMANG SA MAGKAIBANG LUGAR NG PILIPINAS," aniya pa.

Sinabi pa ni Rudy sa kaniyang post na posible pa ang iba pang paglindol at banta ng kalamidad sa mga paparating na araw.

Giit niya, hindi raw ito pananakot kundi babala mula sa Panginoon.

"HINDI PO ITO PANANAKOT .ITO AY BABALA NG PANGINOON SA ATIN NA DAPAT NATIN PAGHANDAAN DAHIL KUNG HINDI NYA TAYO MAHAL AY WALA DIN TAYONG BABALA NA MARIRINIG .NASA INYO KUNG MANIWALA MAN KAYO O HINDI ANG MAHALAGA AY MAG INGAT LAMANG ANG LAHAT AT HUWAG NATIN KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI SA ATING DIOS NA TAGAPAGLIGTAS DAHIL DITO MASUSUBOK ANG PANANAMPALATAYA NG BAWAT ISA," mababasa pa.

Pagwawakas ni Rudy na paalala niya sa publiko, "HINDI NATIN MASISI ANG DIOS SA MGA PANGYAYARI NA TULAD NITO DAHIL ANG MUNDONG ITO NA LIKHA NYA AY PINAGAMIT NYA SA ATIN .KUNG ITO AY PINAHALAGAHAN LAMANG NG KARAMIHAN AY HINDI SANA MAGBAGO ANG GALAW NG ATING MUNDO.MAHALAGA MAGPAHALAGA SA KALIKASAN KISA PAIRALIN ANG KASAKIMAN NA SYANG MAGDULOT NG KAPARUSAHAN NG KALIKASAN.MAGING MINGAT LAMANG ANG LAHAT DAHIL SUNOD SUNOD NA ANG YANIG NA MARANASAN NG KARAMIHAN BAGO MATAPOS ANG TAONG 2025 .MAGING MAINGAT ANG LAHAT AT HUWAG MAKALIMOT NA MANALANGIN TAYO PALAGI."

Matatandaang muling lumutang ang prediksyon ni Rudy nang tila magkatotoo raw ang hula niyang isang sasakyang panghimpapawid ang babagsak sa bansang India.

Matatandaang noong Hunyo 12 ay nag-plane crash ang isa sa mga eroplano ng Air India.

Sa ulat ng international media outlets, patungong Gatwick Airport sa London ang eroplano subalit ilang minuto lamang ay nag-take off ito at bumagsak sa isang residential area sa western city of Ahmedabad.

Itinuturing umano itong "world's worst aviation disaster in a decade."

Bumagsak ang eroplano at bumangga sa isang medical college hostel sa labas ng paliparan habang oras ng tanghalian.

KAUGNAY NA BALITA: Himpapawid vision: Rudy Baldwin, nahulaan pagbagsak ng Air India plane?

Sa kabilang banda, sa tuwina ay sinasabi at pinapaalala ni Rudy na hula o vision lamang ang mga sinasabi niya batay sa ipinakikita sa kaniya, bilang babala, subalit ang tunay raw na dapat gawin ay paniniwala at pananalig sa Diyos.

KAUGNAY NA BALITA: Biyaya o bangungot? Sino nga ba si Rudy Baldwin at nagkakatotoo nga ba ang kanyang mga hula?