December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Risa, nalamang sangkot umano si Joseph Sy sa 'malign influence,' 'foreign interference activities'

Sen. Risa, nalamang sangkot umano si Joseph Sy sa 'malign influence,' 'foreign interference activities'
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros (FB), file


Napag-alaman ni Sen. Risa Hontiveros na sangkot umano ang businessman na si Joseph Sy sa “malign influence” at “foreign interference activities” matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga intel source.

Ibinahagi ni Sen. Risa sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 2, ang mga impormasyong nakalap niya ukol sa nasabing businessman.

“Remember Joseph Sy? Ang businessman na di umano’y nagpanggap na Pinoy pero Chinese daw pala? I received info from intel sources that he is believed to be involved in MALIGN INFLUENCE AND FOREIGN INTERFERENCE activities,” ani Sen. Risa.

Isiniwalat ng senadora ang ilan pang mga isyu sa mga papeles ni Sy matapos itong imbestigahan, kasama na rin ang ilang dokumento ng kaniyang anak.

“Ang panlilinlang ay hindi tumigil sa kanyang sarili. Pati ang kanyang anak ay may dalawang pagkakilanlan, dalawang citizenship, at dalawang passport. Tingnan nalang po natin ang kanyang anak na si Johnson Cai Chen na may dalawang passport. Tingnan niyo po ito: may valid Chinese passport hanggang 2031 sa pangalan na Johnson Cai Chen, at may valid Filipino passport hanggang 2030 sa pangalan na Johnson Chua Sy,” anang senadora.

“Dagdag pa- ang mga kasinungalingan niya sa kanyang nationality ay lumitaw rin sa mga dokumento ng kanyang anak. Tingnan naman po natin ang side by side ng kanyang birth certificates,” pagpapatuloy nito.

“Sa isang birth certificate, yung mismong birth certificate niya noong kanyang kapanganakan and registered on time or in 1995, pinanganak siya sa Chinese General Hospital at ang tatay niya, itong si Chen Zhen Zhong, take note CHINESE nationality, at ang nanay niya ay si Bao Han Cai alias Pauline Chua Chen, citizenship Chinese,” saad pa niya.

Ibinunyag din ng mambabatas na ang anak umano ni Sy ay tila dinaig pa si Alice Guo matapos magkaroon ng dalawang pasaporte at dalawang birth certificates.

“Ngunit may isa pa siyang birth certificate – acquired via late registration daw! Registered lang noong 2014. At ang kanyang tatay dito ay si Joseph Cue Sy, Filipino citizen, at ang nanay ay si Pauline Cai Chua, Chinese citizen,” anang mambabatas.

“Samakatwid this Johnson Cai Chen or Johnson Sy, has TWO PASSPORTS, isang Chinese at isang Pilipino, and TWO BIRTH CERTIFICATES! Aba dinaig pa niya si Alice Guo,” dagdag pa niya.

Matatandaang nabigla si Sen. Risa Hontiveros nang mapag-alamang naging miyembro ng Philippine Coast Guard Axiliary (PCGA) ang businessman na si Joseph Sy noon pang 2018.

“Parang si Alice Guo Part 2 ito: nagpapanggap na Pilipino, may pekeng passport, at mga pekeng ID,” ani Hontiveros.

MAKI-BALITA: 'Parang si Alice Guo Part 2?' Sen. Risa, naalarma sa isang PCGA member-Balita

Noong Agosto 28 naman, agarang nagsumite ang dating chairperson ng Global Ferronickel Holdings, Inc.ng voluntary leave of absence (LOA) matapos maisiwalat ang mga isyu sa kaniyang nasyonalidad.

“This decision reflects the Board’s commitment to allowing Mr. Sy to focus on resolving his personal legal matters while safeguarding the best interests of the Company and its stakeholders,” anang kompanya.

MAKI-BALITA: Joseph Sy, nag-voluntary LOA kasabay ng isyu sa kaniyang nasyonalidad-Balita

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Joseph Sy tungkol dito.

Vincent Gutierrez/BALITA