Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Pope Leo XIV para sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa lalawigan ng Cebu kamakailan.
Ayon kay Cebu Archbishop Alberto Uy, personal siyang tinawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, upang iparating ang taos-pusong pakikiramay ng Santo Papa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng patuloy na humaharap sa hirap dulot ng trahedya.
Nagpahayag din ng panalangin si Pope Leo XIV para sa kaligtasan, kagalingan, at agarang pagbangon ng mga apektadong komunidad.
“The Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, called me to convey the Holy Father's heartfelt sympathies for all the survivors of the earthquake, and his prayers for the eternal repose of the victim,” pagbabahagi pa ni Archbishop Brown.
Matatandaang malapit sa puso ng Santo Papa ang Pilipinas, lalo na ang Cebu, dahil noong 2004 at 2010 ay bumisita siya, bilang noo’y Prior General ng Order of Saint Augustine, sa Augustinian Province of Santo Niño de Cebu.