Lumakas bilang severe tropical storm ang bagyong "Paolo," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa 11:00 PM weather bulletin ng PAGASA ngayong Huwebes, Oktubre 2, huling namataan ang bagyo sa layong 320 kilometro Silangan ng Baler, Aurora at taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong 115 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis ng 30 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas na sa tropical cyclone wind signal number 3 ang ilang lugar sa northern Luzon.
SIGNAL NO. 3
Extreme northern portion ng Aurora
Central at southern portions ng Isabela
Northern portion ng Quirino
Northern portion ng Nueva Vizcaya
Mountain Province
Ifugao
Northern portion ng Benguet
SIGNAL NO. 2
Southern portion ng mainland Cagayan
Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
Northern at central portions ng Aurora
Northeastern portion ng Nueva Ecija
Southern portion ng Apayao
Kalinga
Abra
Nalalabing bahagi ng Benguet
Southern portion ng Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
SIGNAL NO. 1
Nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Nalalabing bahagi ng Aurora
Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
Camarines Norte
Northern portion ng Camarines Sur
Nalalabing bahagi ng Apayao
Nalaabing bahagi ng Ilocos Norte
Pangasinan
Nalaabing bahagi ng Nueva Ecija
Northern portion ng Bulacan
Tarlac
Northeastern portion ng Pampanga
Northern portion ng Zambales
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Isabela o Northern Aurora bukas, Oktubre 3 at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado, Oktubre 4.