December 13, 2025

Home BALITA National

'Paatras pa tayo!' Pagbabalik ng Pilipinas bilang ICC member, sana pinagbotohan na—De Lima

'Paatras pa tayo!' Pagbabalik ng Pilipinas bilang ICC member, sana pinagbotohan na—De Lima
Photo courtesy: Leila de Lima (FB), BALITA FILE PHOTO

Nagbigay ng saloobin si Mamamayang Liberal (ML) Party-List Rep. Leila de Lima kaugnay sa tila naganap na pag-apruba ng Senado na hilingin sa International Criminal Court (ICC) na isailalim si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa house arrest para sa makataong konsiderasyon.

Ayon sa ibinahagi ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 2, 2025, sinabi niyang dapat umanong mas pinagbotohan na lang ng Senado ang pagbabalik ng bansa bilang miyembro ng ICC. 

“Sana ang pinagbotohan na ay pagbabalik ng Pilipinas bilang member ng ICC,” anang De Lima sa kaniyang post. 

Pahabol pa ni De Lima, tila paatras umano ang takbo ng mga nangyayari sa bansa. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Kaso paatras pa tayo,” pagtatapos niya. 

Photo courtesy: Leila de Lima (FB)

Photo courtesy: Leila de Lima (FB)

Sinang-ayunan naman ng taumbayan ang naturang pahayag ni De Lima. 

Anila, mas marami pa umanong problemang kinakaharap ang bansa ngayon imbis a unahin ang naganap na botohan ng mga senador kahapon sa Senado. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni De Lima: 

“Or they could've voted for a resolution regarding the recent calamity.” 

“Many politicians use the election only as a stepping stone. When elected, only minds a particular politician and no longer about country.” 

“Parang sampal sa pamilya ng mga biktima ng ejk ang pinag gagagawa ng mga senador na ito. Sana bago sila nagsiboto, sumagi sa isip nila ang pinag ggawa ni duterte ng panahon nya. Sana doon sila naaawa s mga hindi n mabbigyan ng hustisya, mga na-pag bintangan lang, pero tinuldukan agad ang buhay. Mga may kapangyarihan n lng ba ang nabibigyan ng simpatiya?”

“Babalik lang po uli ang ICC pag matino na uli ang ating presidente sa ngayun huwag na po tayo umasa.”

“Talaga naman po. Ewan ko ba sa mga senador nating naturingan ang babaw lahat. Kaya nga nakakulong sa selda at nag-iisa at nangungulila ay dahil yan ay pagbabayad sa kasalanan nya nagawa.”

“Good day dapat talagang ibalik sa ICC ang tungkol sa Hustisya sapagkat sa Bansang Pilpinas ay pag may Kayamanan at Impluwensya maraming dak dak at dal-dalan patatagalin hanggang magsawa ang tao minsan naman ay sinasadyang gumawa ng panibagong panakip upang doon naman malipat ang atensyon ng mamamayan[...]”

“BALIK ICC? Big yes!” 

Matatandaang isinagawa ang nabanggit na botohan sa plenary session ng Senado noong Oktubre 1, 2025. 

MAKI-BALITA: Botong 15-3-2: Mga senador na pabor, tutol hilingin sa ICC na i-house arrest si FPRRD

Inihain ang nabanggit na resolusyon nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senate Majority Leader Migz Zubiri, kung saan, binanggit ang edad at lumalalang kalusugan ni Duterte bilang dahilan upang humiling na magsagawa ng pagsusuri ang isang doktor kung kaya pa niyang tiisin ang regular na pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.

Batay sa naging botohan, 15 sa mga senador ang pumabor habang 3 naman ang tutol. Dalawa naman sa kanila ang nag-abstain, at 4 naman ang hindi nakadalo sa botohan.

Mc Vincent Mirabuna/Balita