December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Open ka bang maging friend si ex-jowa? Karylle, may diretsahang sagot

Open ka bang maging friend si ex-jowa? Karylle, may diretsahang sagot
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda/Dingdong Dantes (FB)

May diretsahang sagot si "It's Showtime" host at singer Karylle kung bukas ba siya sa ideyang maging magkaibigan sila ng ex-boyfriend na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa panayam kay Karylle sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Miyerkules, Oktubre 1, naungkat ni Boy ang pagkikita ng mag-ex sa noontime show noong Hunyo 11.

Pagkalipas ng maraming mga taon, matapos ang kanilang kontrobersiyal na hiwalayan, ay muli na ngang nagkrus ang mga landas ng dalawa, bagay na ikinatuwa naman ng madlang people at madlang netizens dahil finally, naganap na nga ang napurnada na sanang paghaharap nila.

KAUGNAY NA BALITA: Sey mo Marian? Mag-ex na Dingdong at Karylle, nagkaharap na!

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Matatandaan kasing absent si Karylle nang unang mag-guest si Dingdong kasama ang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, para sa promotion ng kanilang pelikulang "Rewind" na pinrodyus ng Star Cinema, ang movie company ng ABS-CBN, noong Disyembre 2023.

KAUGNAY NA BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?

KAUGNAY NA BALITA: Karylle may sakit kaya absent sa Showtime; minalisya ng mga intrigera

KAUGNAY NA BALITA: Rehearsal o sakit? Vice Ganda ‘nadulas’ kung bakit absent si Karylle

Pero nalotlot at nahopia nga ang mga netizen dahil nga wala noon si Karylle, na ang sabi ay may iniindang sakit ng mga sandaling iyon.

Going back sa tanong ni Boy kay Karylle, natanong nga ang huli kung naging awkward ba ang muling pagkikita nila ni Dingdong.

“Awkward ba?” I did see a lot of clips, and I wouldn't have put myself in a situation na hindi ako handa siguro. So sometimes people judge na, 'Bakit hindi mo hinaharap?' Minsan hindi ka pa handa, so why would you put yourself in a situation na baka may magawa kang hindi exactly maganda," saad ni Karylle.

Kaya kung ilalarawan daw niya, "okay lang" subalit aminado siyang hindi siya handa nang mga sandaling iyon, kahit pa ba makikita ang mga ngiti sa mga labi nilang pareho.

"Kasi parang some people were like, 'Are you avoiding?' Sabi ko, 'Hindi. Minsan, nagkakataon lang na you're also working or doing theater shows, etcetera. But yeah, it was a beautiful moment, sundot pa ni Karylle.

Sundot na tanong pa ni Boy sa kaniya, "Are you looking to being friends with Dong?”

Sagot naman ni K, "I don't know if 'friends' is the word. I would imagine, being people in the same industry, we could support each other. I see that he supports our movie, I did my best to kind of support their own movies, so I think supporting each other, maybe."

"The friendship, I don't think it’s in the cards anymore," dagdag pa niya.

Matatandaang tumagal ng tatlong taon ang relasyon nina Dingdong at Karylle, na nauwi sa hiwalayan noong 2008. Sa pagkakataong ito, mula sa pagiging bahagi ng unang "Encantadia" ng GMA Network, lumipat sa ABS-CBN si Karylle.

Nang mag-guest sa defunct showbiz-oriented talk show na "The Buzz," mismong si Boy pa mismo ang nagtanong kay Karylle patungkol sa tsikang nagkamabutihan sina Dingdong at katambal niyang si Marian, nang ginagawa nila ang hit seryeng "Marimar."

Bagama't hindi sumagot si Karylle at walang mga salitang binitiwan, mas naging kontrobersiyal ito matapos lamang niyang suklian ng ngiti si Boy.

Pero sa kasalukuyan, happy na rin naman ang married life ni Karylle, matapos pakasalan ang lead vocalist ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon, habang si Dingdong naman, dalawa na ang anak kay Marian.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Dingdong tungkol sa naging pahayag ni Karylle.

Inirerekomendang balita