December 13, 2025

Home BALITA National

Mayor Magalong, may nalaman kaya ayaw pag-imbestigahin?

Mayor Magalong, may nalaman kaya ayaw pag-imbestigahin?
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Nagbigay ng pahayag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dating Special Adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) tungkol sa pinagtatakhan umano niya sa dahilan kung bakit siya biglang ayaw pag-imbestigahin sa mga korapsyon at anomalya sa bansa.

Ayon sa ibinahagi ni Magalong sa media nitong Huwebes, Oktubre 2, sinagot niya ang katanungan ng mga mamamahayag tungkol sa opinyon niya kung mananatili pa rin ang kredibilidad ng ICI ngayon.

“Oo naman. Ako, naniniwala pa rin ako na magiging maayos pa rin ‘yan,” ayon kay Magalong. 

“Nandyan naman sina Sec. Babes [Rogelio Singson], Chairman Reyes [Justice Andy Reyes][...] at ito, padating na si General Azurin [Rodolfo Azurin]. Sa tingin ko, basta tuloy-tuloy lang ang imbestigasyon, wag lang ire-reign, magiging credible ‘yon,” paliwanag pa niya. 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Ibinahagi naman ni Magalong ang kaniyang saloobin sa dahilan ng kaniyang pagbibitiw sa puwesto sa nasabing ahensya dahil sa pagpipigil umano sa kaniyang ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa korapsyon na laganap ngayon sa bansa. 

“Nakakapagtaka lang, e, bakit biglang ayaw akong mag-imbestiga? The mere fact na sinabing ‘you are not an investigator, you are just a legal adviser,’ so ibig sabihin, simple lang ‘yon, ayaw, huwag ka nang mag-imbestiga.

“‘Yon ang message doon, e. And you don’t have any authority over the PNP despite the fact na may MOU ka. Simple lang ‘yong message na ‘yon, e. Huwag ka nang mag-imbestiga. So, ano pa ang purpose ko [kung] bakit ako nandoon? ‘Di dapat mag-resign na lang ako,” pagkukuwento ng alkalde. 

Aniya, mayroon na siyang suspetsa kaugnay sa korapsyon ngunit hindi niya muna ito ibabahagi sa publiko. 

“I have my suspicions pero I won’t share it[...] I’m sorry,” ‘ika ni Magalong. 

Nilinaw rin niya na wala na umano siyang koneksyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Wala na akong communication with the President,” ani ni Magalong. 

Nagbigay rin ng opinyon si Magalong kaugnay sa usapin sa pagsasapubliko ng mga pagdinig ng ICI sa kanilang imbestigasyon sa maanomalyang flood-control projects at iba pang uri ng korapsyon. 

“Tama naman ‘yon. Kailangan talaga na i-open nila. Para at least walang pagdududahan. Pero ako na mismo nagsasabi kasi nag-aattend naman ako ng hearing[...] wala akong nakikitang pinagtatakpan do’n o kaya nakikita kong may anomalya? Wala,” pagtatapos niya. 

MAKI-BALITA: 'Lahat sila, korap!' Mayor Magalong, isinawalat natuklasan sa pagsisiyasat ng ICI

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita