December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Mahigit 1,000 pulis, naka-deploy sa Cebu bilang tulong sa mga biktima ng lindol

Mahigit 1,000 pulis, naka-deploy sa Cebu bilang tulong sa mga biktima ng lindol
Photo courtesy: MB, Cebu People's Action Center

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Police Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. ang papadala ng 1,356 na pulis sa mga lugar na 6.9 magnitude sa probinsya ng Cebu at mga karatig na lugar nito. 

Ayon kay Nartatez, iba-ibang teams mula sa disaster response teams ng Police Regional 8 at Negros Island Region ang agarang ipinadala sa Cebu para sa agarang pagresponde sa lindol. 

Ang nasabing mga team ay binubuo ng 64 na pulis mula sa regional PNP Maritime Units ng Region 6, 7, 8 at Negros Island Region. 

Kabilang din dito ang Special Operations Unit na ipinadala sa Bogo City, Bantayan Island, at San Remigio. 

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

“The quick actions of our personnel in Central Visayas and the nearby regions demonstrated the PNP’s commitment to protecting lives, not only by maintaining peace and order but also by taking direct action in emergency situations,” saad ni Nartatez. 

Ibinahagi rin niya na sa kasagsagan ng mga pagkawala ng kuryente at aftershock, kasama sa mga naging tulong ng PNP ay ang evacuation ng mga pasyente at staff mula sa mga ospital. 

“Our police officers are not just enforcers of the law, they are first responders who act with urgency and compassion in times of crisis,” dagdag pa niya. 

Bukod pa sa mga ito, ang mga police unit ay naatasan na paigtingin ang seguridad ng evacuation centers, eskwelahan, at mga imprastraktura para masigurado ang ligtas na transportasyon at distribusyon ng relief goods. 

Sean Antonio/BALITA