December 16, 2025

Home BALITA Internasyonal

Erpat ni Duchess of Sussex Meghan Markle, na-trap nga ba sa apartment nang lumindol sa Cebu?

Erpat ni Duchess of Sussex Meghan Markle, na-trap nga ba sa apartment nang lumindol sa Cebu?
Photo courtesy: Samantha Markle (X)/via PEP/Meghan Markle (FB)

Usap-usapan kamakailan sa X ang naging post ni Samantha Markle, anak ni Thomas Markle, Sr. na estranged father naman ni Duchess of Sussex Meghan Markle, kaugnay sa umano'y pagkaka-trap ng ama sa naganap na magnitude 6.7 na lindol (na itinaas sa 6.9) sa Bogo City, Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30, na nagdulot ng pagkasira ng imprastraktura sa lugar at casualties.

KAUGNAY NA BALITA: Magnitude 6.7 na lindol, yumanig sa Bogo City, Cebu

Si Meghan Markle, ay asawa naman ni Prince Harry ng United Kingdom.

Si Samantha ay anak ni Thomas mula sa una niyang misis. Mula na mismo kay Meghan na hindi sila malapit o close ng nakatatandang half-sister dahil hindi sila lumaki nang magkasama.

Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Si Thomas naman ay isang retiradong TV lighting director, na nagkaroon ng problema sa kaniyang kalusugan matapos makaranas ng stroke noong 2022.

Ngayong 2025,  nagpasya siyang manirahan sa Cebu kasama ang kaniyang 58-anyos na anak na lalaki na si Thomas Markle, Jr.

Batay sa X post ni Samantha noong gabi ng kalamidad, tila naghisterya at nag-alala siya sa kalagayan ng ama, na sinasabing nasa apartment nito sa Cebu, na nasa ika-19 na palapag.

Tila sinisi ni Samantha sina Meghan at Harry kung bakit nadamay ang ama sa nabanggit na lindol.

Mababasa sa X post ni Samantha, "My father is stuck on the 19th floor of a building in the Philippines after a massive earthquake and he can’t walk and he is trapped. Shame on my evil fucking sister forever putting our father in that position. I hope she is cursed.

Photo courtesy: Screenshot from Samantha Markle/X

Pero sa panayam ng TMZ kay Thomas noong Martes, Oktubre 1, tila pinabulaanan niya ang mga naging pahayag ni Samantha sa kaniyang posts, dahil maayos naman daw ang lagay niya.

Mababasa sa headline ng kanilang news article, "Meghan Markle's Dad Thomas I'm Not Trapped in the Philippines!!!

Photo courtesy: Screenshot from TMZ

Saad pa umano ni Thomas, hindi pa raw sila nagkakausap ni Samantha kaya hindi raw niya alam kung saan nito nakuha ang impormasyong na-trap siya dahil sa lindol.

"I’m safe in my hotel room, and in no way am I ‘trapped’ and ‘unable to walk.' The epicenter was 100 miles from here," saad umano ni Thomas, na mababasa sa ulat ng TMZ.

"I'm currently sitting on the couch in my hotel room, with my feet kicked up and watching Charlie Chan movies. I'm quite comfortable," dagdag pa. 

Saad daw ni Thomas, ang gusaling kinalalagyan niya ay malayo sa epicenter ng lindol, at ni hindi nga raw naramdaman sa kaniyang tinutuluyang hotel.

Nakarating naman kay Samantha ang mga naging pahayag ng ama, at tila hindi raw nagustuhan ang mga naging sagot nito, dahil pinalalabas na "nagsisinungaling" siya.

Ipinakita rin niya umano ang screenshots ng mga pag-uusap nila ng kaniyang ama at kasama nito sa hotel habang at matapos ang pagyanig.

Photo courtesy: Screenshot from Samantha Markle/X

Sa kabilang banda, nagbigay rin ng komento si Samantha sa sitwasyon daw ng tinutuluyang imprastraktura ng ama habang naninirahan sa Pilipinas.

"So the building my dad is in is reportedly two years old. According to this, the Philippines did not implement quake codes until this year for new construction. I guess my brother didn’t know that little. Hopefully moving forward all new construction will be safer," aniya sa X.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Meghan kaugnay rito.