“Language is a big part of the healthcare system.”
Ang medical prescription o reseta, ay ang written order ng isang doktor o espesyalista para sa gamit, pagbili, at pag-inom ng gamot.
Ayon sa Integris Health, ang administrasyon ng gamot at treatment mula sa tama at malinaw na prescription ng doktor ay daan para gumaling mula sa sakit ang isang pasyente at mapabuti ang kalusugan nito.
Kaya ganoon na lamang ang galak ng content creator, licensed forester, at researcher na si Ethan Hernandez nang mahusay at malinaw na naipaliwanag sa kaniyang ama ang reseta nito sa kaniyang health check-up.
“Saludo ako sa doktor dahil mahusay siya. Tinagalog niya ang buong paliwanag at naging mas malinaw ito para kay papa. Pati ‘yong instructions sa reseta, Tagalog rin. Aba!” saad ni Hernandez sa kaniyang viral social media post kamakailan.
Ang nasabing reseta na ibinigay sa kanila ay nakasulat sa wikang Filipino, na kakaiba kung ikukumpara sa kalimitang reseta sa bansa, na nakasulat sa Ingles.
Sa eksklusibong panayam kay Hernandez, ikinuwento niya na sa health check up ng kaniyang ama sa UPLB (University of the Philippines Los Baños) - Health Service, partikular niyang ni-request na Filipino ang gamiting wika sa pagbibigay ng panuto para mas malinaw niyang maintindihan ang mga dapat gawin at ang tamang pag-inom ng gamot.
Ngunit laking-gulat at tuwa niya nang pati ang resetang ibinigay ay nakasalin rin sa wikang Filipino,
“When I got one [prescription] in Filipino, in the case of UPLB-Heath Service, I felt more confident for my Papa. Naintindihan niya, he understood what he needed to do. Hindi ko na kailangang i-explain pa, siya na mismo ang nakaintindi,” dagdag niya pa.
Dito ay napagtanto raw niya na ang kalimitang reseta na wikang Ingles ang gamit ay posibleng nagdudulot ng pagkalito para sa karamihan.
“For me, prescriptions in English can be inaccessible and intimidating. Parang bawal magtanong. Lalo na ‘yong hindi masyadong maalam magsalita at magsulat ng Ingles, tatango lang ‘yan ng tatango, mai-intimidate siya, hanggang sa hindi na niya maibigay ‘yong detalye na itinatanong ng doktor,” paliwanag niya.
“Marami tayong kababayan na talagang hirap, kailangan pang may mag-interpret,” aniya pa.
Kaya nang tanungin si Hernandez kung sino pa sa tingin niya ang mga maaaring magbenepisyo sa paggamit ng wikang Filipino sa pagbibigay ng reseta, binanggit niya na magiging malaking tulong ito para sa mga Pilipino na hindi nabigyan ng pagkakataon makapag-aral.
“Definitely those who didn’t have the chance to finish school. In the case of my Papa, nakakaintindi ng very basic English, pero ‘yong mga complex like sa prescriptions, explanation, at mga sakit, I think those are very difficult for them,” saad niya.
“These are the same people who usually rely on someone else like ‘yong anak, ‘yong kapatid. Someone else interprets the prescription or explanation of the doctor for them,” dagdag niya.
“For me, if the instructions were already in Filipino, they wouldn’t have to depend on others. So, better health outcomes and less confusion,” aniya pa.
Bilang content creator na mayroong mahigit isang milyong followers sa kaniyang social media, nakita rin niya na mayroong parehas na hinaing ang karamihan ang kaniyang followers hinggil sa pag-intindi ng reseta.
Sa maraming komentong kaniyang natanggap, ang tumatak raw ay ang follower na nagkuwento tungkol sa ina na hindi iniinom ang kaniyang gamot dahil hindi nito naintindihan ang panutong nakasulat.
“Mayroong nagsabi na naintindihan na niya ngayon kung bakit hindi raw iniinom ng kaniyang mother ‘yong gamot, dahil natatakot daw paano inumin, kung ito raw ba ay after meal o before meal, ilang piraso, hanggang kailan. Akala niya iniinom, hindi pala, because of that reason,” kuwento niya.
Sa kasalukuyan, umani na ng 35k engagement ang kaniyang social media post.
“It shows that this is not just about language. Ito ay tumutukoy din sa tiwala doon sa doktor and the people taking control of their health,” saad niya.
Sa pamamagitan rin ng mga komentong natanggap, nakita ni Hernandez na ang wika ay may importanteng gampanin sa healthcare system ng bansa.
“Language is a big part of the healthcare system. For me, if something, as simple as changing the language a prescription can make such a big difference, then it’s something worth talking about. Posting until it becomes a norm, until gayahin ng maraming hospital at doktor,” paliwanag niya.
Sa pagtatapos ng panayam, ipinarating niya na para sa healthcare providers, ituring ang wika bilang malaking parte ng kanilang pagtulong sa mga pasyente.
“Of course, lalo na sa UPLB-UHS at sa lahat ng hospitals, doctors, and healthcare providers, maraming salamat for all you do, but I hope, we see language as part of your care. When you write in Filipino, para sa akin, you’re helping patients feel included, human, and empowered, to take charge of their own health. So, mahalaga talaga,” panawagan niya.
Sa kabilang banda, humingi rin ng esklusibong pahayag ang Balita kay Dr. Christine L. Baybay-Juaneza, ang Doktor mula sa UPLB - Health Service na nagbigay ng reseta sa ama ni Hernandez gamit ang wikang Filipino.
Ipinahayag niya na sa UPLB-Health Service, parehong ginagamit ang Ingles at Filipino sa pagsusulat ng reseta, at bilang isang Family and Community Medicine resident physician, binibigyang halaga niya ang komprehensyon ng kaniyang pasyente para masigurado na lubos na maiintindihan ng kaniyang pasyente ang reseta nito, para maagap niyang masunod ang mga nakasulat rito.
“In our hospital, we use Filipino just as commonly as English when writing our prescriptions. As a Family and Community Medicine resident physician, we have been trained to tailor-fit our style of consults and language choice in prescriptions, depending on the patient’s level of comprehension. We even use numerical symbols in writing the directions, especially for elderly patients with multiple maintenance medications. When we write our prescriptions in English, we explain them in Filipino and vice versa. What matters most is making sure that the patient and/or their guardian fully understands what was written on their prescription so they can safely follow it,” saad niya.
Nang makita ni Dr. Juaneza ang viral post ni Hernandez, napagtanto niya na ang paggamit ng Filipino, bilang doktor, ay lubos na makatutulong para magkaroon ng mas mainam na relasyon at tiwala sa kanilang pasyente.
“After giving the prescription and explaining what was written to my patient and his son, they seemed glad. They both expressed their gratitude at the end of our consultation. At first, I did not expect how big the impact would be until I saw his post online. His post made me realize how simply using Filipino can enhance rapport and build trust among doctors and patients,” pagbabahagi niya.
Dahil dito, bilang Filipino ang mother tongue o paunang wika ng karamihan sa bansa, naniniwala siya na malaki ang potensyal na na gamitin din ito sa iba pang mga ospital at clinic para sa kanilang mga reseta.
“I do see a lot of potential for the Filipino language to be used more widely. In fact, many hospitals or clinics were already utilizing the Filipino language in their prescriptions even before, although they are underrecognized,” aniya.
Bukod sa paggamit ng wikang Filipino sa kanilang healthcare facility, ibinahagi niyang may polisiya rin ang UPLB-Health Service na pagbubukas ng fast lane service, partikular sa senior citizens na nangangailangan ng refill sa kanilang maintenance na gamot.
“At the University Health Service, we offer fast lane service for patients-especially senior citizens-requiring prescription refills for their maintenance medications, given that we can validate their medication list through review of records,” saad niya.
Dito rin ay inaabisuhan nila ang mga ito sa importansya ng follow-up sa kanilang doktor para matiyak na mas maging epektibo ang kanilang gamot.
“At the University Health Service, we offer fast lane service for patients-especially senior citizens-requiring prescription refills for their maintenance medications, given that we can validate their medication list through review of records,” dagdag pa niya.
Sa pagtatapos ng panayam, ipinarating ni Dr. Juaneza para sa kaniyang kapwa healthcare providers ang importansya ng dekalidad na serbisyo para maprotektahan at mas mapangalagaan ang kanilang mga pasyente.
“To my fellow healthcare providers, let us always consider our patient’s perspective when writing prescriptions. Let us remind ourselves to use terms and language that our patients can easily comprehend, be it Filipino, English, or another dialect. By doing so, we uphold our oath to be of service to others, protect our patients from harm, and give them the quality care that they need,” panawagan niya.
Sean Antonio/BALITA