December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Zsa Zsa Padilla, personal na naghatid ng tulong sa Cebu

Zsa Zsa Padilla, personal na naghatid ng tulong sa Cebu
Photo courtesy: Cebu Province (FB)

Naispatan ang aktres at Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa kapitolyo ng lalawigan ng cebu para personal na mamahagi ng ayuda para sa mga naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Bogo City, Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30.

Ibinida ito mismo sa opisyal na Facebook page ng Cebu Province nitong Miyerkules, Oktubre 1.

"Veteran actress Zsa Zsa Padilla visited the Capitol command center this afternoon to donate ready-to-eat food packs and monetary aid for the victims of the 6.9 magnitude earthquake. The actress's donations show solidarity with the Cebuano people during difficult times and hardships," mababasa sa caption ng post.

Sa Instagram post at stories naman ni Zsa Zsa, ibinahagi niya ang iba't ibang panawagan para magpaabot ng tulong sa Cebu, bilang pagkatok na rin sa puso ng publiko na magpaabot ng tulong para sa kanila.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:59 ng gabi naganap ang 6.7 magnitude na lindol, na kalaunan, itinaas din nila sa 6.9.

May lakas na magnitude 6.7 ang lindol na may lalim na 10 kilometro, at natukoy ang epicenter nito sa layong 17 kilometro hilagang-silangan ng Bogo City, Cebu (11.09° Hilagang Latitud, 124.13° Silangang Longhitud).

Batay sa reported intensities, naramdaman ang lindol sa San Fernando, Cebu (Intensity III) at sa Laoang, Northern Samar (Intensity II).

Ayon sa instrumental intensities na naitala ng Phivolcs, umabot sa Intensity VI ang pagyanig sa Cebu City at Villaba, Leyte.

Isinailalim naman sa state of calamity ang Bogo City dahil dito.

KAUGNAY NA BALITA: Bogo City, isinailalim na sa state of calamity