Posibleng itaas sa tropical cyclone wind signal no. 3 at "worst case scenario" wind signal no. 4 ang ilang lugar sa Northern at Central Luzon sa oras na humagupit ang bagyong "Paolo," ayon sa PAGASA.
Sa 11:00 AM weather bulletin ngayong Miyerkules, Oktubre 1, namataan ang sentro ng bagyo sa 760 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas nghanging na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Sa kasalukuyan, wala pang nakataas ng wind signal sa anumang bahagi ng bansa, ngunit posibleng itaas sa wind signal no. 1 ang eastern sections ng Northern at Central Luzon mamayang hapon o gabi.
Samantala, sa weather forecast track ng PAGASA, magla-landfall ang bagyong Paolo sa Isabela o hilagang Aurora sa Biyernes ng umaga o tanghali, Oktubre 3.
Patuloy rin itong lalakas bilang severe tropical storm habang tinatahak ang Philippine Sea.
"PAOLO will continue to intensify while over the Philippine Sea and may reach severe tropical storm category by Friday morning. Further intensification into a Typhoon prior to landfall is not ruled out," anang PAGASA.