December 13, 2025

Home BALITA National

Wind Signal no. 1, nakataas na sa Northern Catanduanes

Wind Signal no. 1, nakataas na sa Northern Catanduanes
PAGASA

Nakataas na sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang Northern portion ng Catanduanes bunsod ng bagyong "Paolo," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Oktubre 1.

Batay sa 5:00 PM weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa 665 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes. May taglay itong lakas ng hangin ng 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour. 

Dahil sa bagyo, nakataas na sa wind signal no. 1 ang Northern portion ng Catanduanes  (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga).

Ayon sa weather bureau, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Isabela o Northern Aurora sa Biyernes, Oktubre 3. 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na itaas hanggang wind signal no 3 o "worst case scenario" wind signal no. 4 ang ilang lugar sa Northern at Central Luzon.

Maki-Balita: Wind Signal no. 3 at 4, posibleng itaas sa paghagupit ng bagyong 'Paolo'

Inirerekomendang balita