Nagsuspinde ng mga klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pampribado, gayundin ng trabaho ang ilang mga lugar sa Cebu para sa Miyerkules, Oktubre 1, dahil sa naranasang magnitude 6.7 na lindol nitong gabi ng Martes, Setyembre 30.
KAUGNAY NA BALITA: Magnitude 6.7 na lindol, yumanig sa Bogo City, Cebu
Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat para sa inaasahang aftershocks, narito ang listahan ng mga lugar at institusyong nagkansela ng klase at trabaho:
MGA KLASE SA LAHAT NG ANTAS, PUBLIC AT PRIVATE
Lapu-Lapu City, Cebu
Mandaue City
Talisay City
Minglanilla
Consolacion
Liloan
Don Bosco Technical College
Cebu City
TRABAHO
Iloilo Provincial Capitol
***
I-refresh ang artikulong ito para sa mga bagong update.