December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

VMX actress, nagpaalala sa viewers ng kanilang pelikula: 'Acting lang 'yong ginagawa namin!'

VMX actress, nagpaalala sa viewers ng kanilang pelikula: 'Acting lang 'yong ginagawa namin!'
Photo Courtesy: Azi Acosta (FB)

Pinaalalahanan ni VMX actress Azi Acosta ang ilang nanonood ng kanilang pelikula na wala umanong totoo sa mga ito. 

Sa latest Facebook post ni Azi noong Martes, Setyembre 30, sinabi niyang tila nakakalimot umano ang ilang tao na acting lang ang ginagawa ng mga tulad niya sa pelikula.

“I think people forget na acting lang yung ginagawa namin sa movies. Wala pong totoo sa mga napanood niyo, be smart and understand that we artists have separate lives. Kaya nga ‘acting,’” sabi ni Azi.  

Dagdag pa niya, “If you appreciate the art, thank you and I love you for being smart”

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Samantala, sinabihan naman si Azi sa comment section ng cult director ng VMX films na si Roman Perez, Jr. na huwag na lamang maging “patola” rito.

Anang direktor, “Wag mong papatulan.”

“Yes direk,” sagot ng aktres, “nakita ko lang comments akala ko joke lang nila, totoo palang iniisip nila na totoo yung acting namin ”

Bumida na si Azi sa iba’t ibang pelikula ng VMX tulad ng “Pamasahe,” “Suki,” “Pantasya ni Tami,” “Balik Taya,” “Sila ay Akin,” at marami pang iba.