Kasunod ng mga ulat tungkol sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, naiulat din ang "minor phreatomagmatic eruption" ng Bulkang Taal nitong Miyerkules ng madaling araw, Oktubre 1.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang minor phreatomagmatic eruption sa bulkan bandang 2:02 ng umaga at natapos ng 2:15 ng umaga.
“The event produced a 2500-meter-high eruption plume that drifted northwest,” saad ng ahensya. “Alert Level 1 prevails over Taal Volcano."
Samantala, walang naitalang volcanic earthquakes ang Phivolcs matapos ang naturang aktibidad ng bulkan.
As of 5:00 AM, nananatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkang Taal, na isa sa mga "active volcano" sa bansa.