December 21, 2025

Home BALITA National

Mga mambabatas, pinagdasal, pinag-iingat mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu

Mga mambabatas, pinagdasal, pinag-iingat mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu
Photo courtesy: Senate (FB), MB


Ipinadala ng ilang mga senador at kongresista ang kanilang mga dasal sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30.

Mababasa sa Facebook post ni Sen. Risa Hontiveros noong Martes, Setyembre 30, ang kaniyang mensahe matapos mabalitaan ang nasabing lindol.

“Ang lakas daw ng lindol sa Visayas at Mindanao! Amping! Halong! Praying for everyone’s safety,” ani Hontiveros.

Inilahad din ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Atty. Leila de Lima nitong Miyerkules, Oktubre 1, ang kaniyang paalala na mag-ingat at maging alerto ang lahat hinggil sa nangyaring lindol.

“Sending prayers to all those affected by the 6.9 earthquake, especially our kababayan in Visayas. Amping mo tanan. Please stay safe and alert,” ani De Lima.

Panawagan din ni Sen. Bong Go sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 1, na ipagdasal ang kaligtasan at agarang pagbangon ng mga apektadong Cebuano.

“Nananawagan si Senator Bong Go na sama-sama nating ipanalangin ang kaligtasan at agarang pagbangon ng ating mga kababayan sa Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabuelan, at Bogo City, Cebu, gayundin ang mga karatig-lalawigan na matinding naapektuhan ng malakas na lindol,” ani Go.

Sinigurado naman ni Sen. Kiko Pangilinan sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 1, na nakikipag-ugnayan na ang kanilang opisina sa mga lokal na opisyal ng mga apektadong lugar upang maipadala ang kanilang mga tulong.

“We condole with the families of victims of the massive earthquake in Cebu and surrounding areas. Our office is currently reaching out to local officials and contacts in the affected areas to coordinate relief assistance efforts and gather more information as the the forms of assistance needed,” ani Pangilinan.

National

11 arestado, higit ₱34M halaga ng ilegal na droga nasabat sa malawakang anti-drug operation

“Please take safety precautions and avoid and stay away from damaged buildings, walls and other infrastructure that may crumble from aftershocks,” dagdag pa niya.

Pinag-iingat din ni Sen. Robin Padilla ang mga apektadong indibidwal sa Cebu sa mga posibleng aftershocks na dulot ng lindol.“Ibayong pag-iingat po sa ating mga kababayan sa Cebu at sa mga karatig probinsya na nakaranas ng malakas na pagyanig ngayong gabi.

Ayon sa PHIVOLCS, magnitude 6.9 ang lindol sa Bogo, Cebu. Posible pong magkaroon ng mga aftershocks kaya manatili po tayong alerto at handa,” aniya.

Ibinahagi rin ni Sen. Win Gatchalian ang kaniyang paalala na mag-ingat ang lahat, kalakip ang mga dapat gawin tuwing may lindol.

Pakikiramay din sa mga apektadong residente sa Cebu ang hatid ni Sen. Chiz Escudero.

“Ipinaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng lindol na yumanig sa Cebu kagabi. #PrayForCebu,” aniya.

Kasalukuyang nasa state of calamity na ang buong probinsya ng Cebu dahil sa naganap na lindol.

Vincent Gutierrez/BALITA