Pinangalanan ng Time Magazine si Pasig City Mayor bilang isa sa 100 emerging leaders para sa prestihiyosong 2025 TIME100 Next.
Taon-taong inilalathala ang TIME100 Next para kilalanin ang Top 100 rising stars at emerging leaders sa buong mundo.
Sa artikulo ng Time Magazine na isinulat ni Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa noong Martes, Setyembre 20, binigyang-diin ang pakikipaglaban ni Sotto sa korupsiyon sa ilalim ng administrasyon nito.
“In the Philippines, fighting corruption feels like death by a thousand cuts—each small victory eroded by the system’s capacity to regenerate. But Vico Sotto is proving it can be done,” saad ni Ressa.
Dagdag pa niya, “At 36, Pasig City’s mayor has toppled a 27-year family dynasty not through money or machinery, but through radical transparency: a 24/7 information and complaints hotline, public procurement that’s livestreamed, and the slashing of project costs by eliminating kickbacks.”
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang Mayors for Good Governance (M4GG), samahan ng mga alkalde sa Pilipinas na isa siya sa mga convenor.
“Mataas na pagpupugay para sa ating convenor na si Mayor Vico Sotto, sa kanyang pagkakasama sa prestihiyosong TIME100 Next list ngayong taon!” mababasa sa pahayag ng M4GG.
"Kinilala ng TIME Magazine si Mayor Sotto, bilang isang emerging leader mula sa Pilipinas, dahil sa kanyang makasaysayang paglaban sa political dynasty at pagsusulong ng mabuting pamamahala sa Lungsod ng Pasig," dagdag pa.
Matatandaang minsan na ring kinilala sa ibang bansa si Sotto nang mapabilang siya sa 12 awardee ng international anti-corruption sa Amerika.