Ganap nang isang bagyo ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Catanduanes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
As of 8:00 AM ngayong Miyerkules, Oktubre 1, naging tropical depression na o mahinang bagyo ang naturang LPA sa bandang Catanduanes, at pinangalanan itong "Paolo."
Huling namataan ang bagyo sa layong 835 kilometro silangan ng Southern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at 55 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Ang bagyong Paolo ang unang bagyo ngayong Oktubre at ika-16 ngayong 2025.