Pormal na inanunsyo ng Boy Scout of the Philippines (BSP) ang pagsali sa kanila ng rising Kapuso star at ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata bilang kanilang bagong Scout Ambassador.
Ayon sa ibinahagi ng BSP sa kanilang Facebook page nitong Oktubre 1, 2025, mapapanood ang video ni Shuvee na nagbibigay ng mensahe sa mga boy scouts sa bansa.
“Nandito na siya! The Nation’s Darling joins the Scouting fam! Say hello to our newest Scout Ambassador, Shuvee Etrata!” panimula nila sa caption.
Photo courtesy: Boy Scout of the Philippines (FB)
“Bringing energy, passion, and inspiration to every adventure. Ready to lead, ready to inspire, always Laging Handa!” pagtatapos nila.
Ayon naman sa ibinahaging mensahe ni Shuve sa naturang video, sinabi niyang masaya siyang makasama ang mga scouts dahil hindi lang umano iyon basta titulo para sa kaniya.
“Sobrang saya ko na makasama kayo bilang isa sa mga bagong Scout Ambassador ng Boy Scout of the Philippines. I’m super honored dahil hindi lang ito basta title para sa akin, it’s a dream come true to be part of this scouting family and to represent what we stand for,” anang Shuvee.
“I really love being part of scouting dahil dito ko natutunan ang totoong kahulugan ng ‘laging handa!’ pahabol pa niya.
Ani ni Shuvee, nais niyang tumulong sa pag-aalaga ng kalikasan at gumawa ng kahit umano mga simpleng kabutihan para sa komunidad.
“Mula sa pagtulong sa ating komunidad, pangangalaga sa ating kaligtasan hanggang sa mga simpleng paggawa ng kabutihan. Tinuturuan tayo ng scouting na palaging kumilos at laging handa[...]” ayon pa kay Shuvee.
“So, tara na scouts! Sama-sama nating ipakita ang saya, ang pagkakaibigan, [at] ang pagmamalasakit na dala ng scouting! Let’s show the world that as a scout, we can lead, we can care for one another!” pagtatapos ni Shuvee.
Mc Vincent Mirabuna/Balita