December 13, 2025

Home BALITA National

Karen Davila, kinuwestiyon ‘pagdepensa’ ng Palasyo kay Martin Romualdez

Karen Davila, kinuwestiyon ‘pagdepensa’ ng Palasyo kay Martin Romualdez
Photo Courtesy: Karen Davila (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila matapos magsalita ng Malacañang para kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa X post ni Davila noong Martes, Setyembre 30, kinuwestiyon niya ang Palasyo sa ginawa nito para sa dating House Speaker.

“Why is Malacanang speaking on behalf of the former Speaker of the House? He can very well defend himself,” saad ni Davila.

Pinaalala rin ng broadcast-journalist na ang trabaho umano ng Presidential Communication Office (PCO) ay magsalita para sa Pangulo.

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Aniya, “The job of the Presidential Communications Office is to speak FOR the President.  When the PCO defends or attacks someone, it gives the impression that the President is behind it.”

“With an ongoing investigation on the budget and flood control anomalies, a demeanor of impartiality might be prudent,” dugtong pa ni Davila. 

Sinabi niyang lahat ito matapos sagutin ng Palasyo ang mga paratang ni Vice President Sara Duterte tungkol sa “maleta scheme” na may kaugnayan umano kay Romualdez 

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, “Nakakuha po tayo ng pahayag ngayon-ngayon lamang at atin pong nabasa ang kabuuan. Unang-una po, siya naman po ay abogado so dapat malaman niya kung ano ba dapat ang pagkakaiba ng ‘na-mention’ at ang conviction.” 

Ngunit nauna na ring sinabi ni Castro na hindi umano nila dinedepensahan si Romualdez.

“Hindi po natin ipinagtatanggol dito ang former House Speaker o Representative Romualdez pero [magbabase] lang po tayo sa kaniyang naging salaysay,” aniya.

Maki-Balita: ‘Hindi po namin siya pinagtatanggol:’ Palasyo, nilinaw pahayag ni VP Sara tungkol kay Romualdez