Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang mga field office na paigtingin ang pagtulong sa mga lokal na pamahalaang naapektuhan ng lindol sa Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30.
Sa pahayag na inilabas ng DSWD nitong Miyerkules, Oktubre 1, sinabi ni Gatchalian na nakaalerto umano ang Quick Response Team (QRT) sa central at field offices.
“Our disaster quick response teams (QRTs) at the Central and Field Offices are on alert and have already reached out to the LGUs to assist the affected families,” saad ni Gatchalian.
Dagdag pa niya, “We know that our fellow Filipinos who had been affected are in need of urgent assistance.”
Ayon kay Gatchalian, sapat umano ang mga nakaimbak na pagkain at non-food relief supply ng kaniyang opisina na maaaring gamitin ng mga apektadong LGU.
Sa kasalukuyan, isinailalim na ang buong probinsiya ng Cebu sa state of calamity matapos ang magnitude 6.9 na lindol.