Isinapinal na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanselasyon ng Duterte Youth Party-list noong Martes, Setyembre 30.
Sa pahayag na inilabas ng Comelec nitong Miyerkules, Oktubre 1, sinabi nilang hindi umano tinanggap ng Commission on En Banc ang motion for reconsideration ng Duterte Youth Party-list.
Iginiit umano ng Commission on En Banc ang desisyon ng Commission on Second Division na “void ab initio” ang rehistrasyon ng Duterte Youth Paty-list.
Kabilang sa tuntungan ng kanselasyon ng Duterte Youth Party-list ay ang mga sumusunod: “untruthful statements” sa kanilang petisyon, lalo na ang kwalipikasyon ng kanilang mga nominado; walang bonafide intention na maging kinatawan ng sektor na nirerepsenta nila sa petisyon; nagsusulong ng karahasan o labag sa batas na paraan upang makamit ang layunin; pandagdag ng isang entidad na pinondohan o tinulungan ng National Youth Commission; lumabag o bigong sumunod sa batas na may kinalaman sa eleksyon; at inilagay ang proseso ng halalan sa katatawanan at kasiraan.
Ito ay matapos kanselahin ng Comelec ang rehistrasyon ng naturang party-list noong Hunyo.
Maki-Balita: Duterte Youth, kanselado na bilang party-list
Matatandaang naantala ang proklamasyon ng Duterte Youth Partylist nang manalo ito sa eleksyon noong Mayo 12 dahil sa mga petisyong nakabinbin laban dito.
Maki-Balita: Duterte Youth, kanselado na bilang party-list
Samantala, ipinroklama naman ng komisyon ang pagkapanalo ng Gabriela Women’s Party noong Setyembre 14 upang punan ang isang bakanteng Congressional seat.
Maki-Balita: 'Duterte Youth Out, Gabriela In!' Comelec, nakatakdang iproklama Gabriela Women’s Party