Tila may patutsada ang Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno sa mga taong mahilig daw "mangialam" o manghimasok sa pribadong buhay ng iba, gayong mas maraming "pressing matters" na dapat atupagin gaya ng isyu ng flood control.
Sa Instagram story niya, bumuwelta si Chie sa mga taong nagme-meddle sa private life ng iba.
Mababasa, "I really don't get people meddle with someone else's private life when there are more pressing matters, tulad po ng flood control, opo diba?"
Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno via Fashion Pulis (IG)
Hindi naman binanggit ni Chie kung sino ang partikular na tao o indibidwal na pinariringgan niya.
BREAK-UP KAY jAKE CUENCA, PAGKAKA-LINK KAY MATTHEW LHUILLER
Noong Lunes, Setyembre 29, naglabas ng pahayag si Filomeno hinggil sa kinasasangkutang isyu hinggil sa hiwalayan nila ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, at pagkaka-link naman sa negosyanteng si Matthew Lhuillier.
Si Matthew Lhuillier ay mula sa isang kilalang clan ng mga negosyante, at pinsan ni Daniel Miranda na partner naman ng Kapamilya actress na si Sofia Andres.
Kamakailan lamang ay pumutok ang mga bali-balitang umano'y tuluyan nang nagwakas ang relasyon nina Jake at Chie matapos umanong malaman ng una na nakikipag-date ang huli sa nabanggit na negosyante.
Lunes, Setyembre 29, naglabas naman ng opisyal na pahayag si Chie kaugnay sa isyu, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories.
Aniya, "I've been reading and hearing a lot these past few days and I ask that my past relationship, my present life, and the Lhuillier family be left out of this issue. They don't deserve to be dragged into something that has nothing to do with them."
"No further statements will be made at this time, and I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs."
"Thank you for your understanding and cooperation."
Dagdag pa niya, "I may be a public figure, but I am not public property. I ask that my private life remain private."
KAUGNAY NA BALITA: 'I may be a public figure, but I am not public property!'—Chie Filomeno
KAUGNAY NA BALITA: Jake Cuena, Chie Filomeno iniintrigang hiwalay na!
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Jake o maging si Matthew Lhuillier hinggil sa isyu.