December 13, 2025

Home BALITA National

Botong 15-3-2: Mga senador na pabor, tutol hilingin sa ICC na i-house arrest si FPRRD

Botong 15-3-2: Mga senador na pabor, tutol hilingin sa ICC na i-house arrest si FPRRD
Photo courtesy: Avito Dalan via PNA/via MB

Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 144 na nagpapahayag ng saloobin ng Senado na hilingin sa International Criminal Court (ICC) na isailalim si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa house arrest para sa makataong konsiderasyon.

Isinagawa ang nabanggit na botohan sa plenary session ng Senado nitong Miyerkules, Oktubre 1.

Inihain ang nabanggit na resolusyon nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senate Majority Leader Migz Zubiri, kung saan, binanggit ang edad at lumalalang kalusugan ni Duterte bilang dahilan upang humiling na magsagawa ng pagsusuri ang isang doktor kung kaya pa niyang tiisin ang regular na pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.

Mababasa sa resolusyon na kung ang resulta ng medikal na pagsusuri ay magpapakita na maaaring lumala ang kaniyang kondisyon dahil sa pagkakakulong, hinihikayat ang ICC na payagan ang house arrest o katulad na kaayusan, sa ilalim ng mga kondisyong magtitiyak sa integridad ng kasalukuyang paglilitis.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Matatandaang nauna nang sinabi ng kampo ni Duterte, sa pangunguna ng legal counsel na si Atty. Nicholas Kaufman, na isinusulong nila sa ICC ang interim release sa dating pangulo dahil nga sa kondisyon ng kalusugan nito.

Samantala, batay sa naging botohan, 15 sa mga senador ang pumabor habang 3 naman ang tutol. Dalawa naman sa kanila ang nag-abstain, at 4 naman ang hindi nakadalo sa botohan.

PUMABOR-15
Cayetano, Alan Peter
Dela Rosa, Ronald "Bato"
Ejercito, JV
Estrada, Jinggoy
Gatchalian, Win
Go, Bong
Lacson, Ping
Legarda, Loren
Marcoleta, Rodante
Marcos, Imee
Padilla, Robin
Tulfo, Erwin
Villanueva, Joel
Villar, Mark
Zubiri, Migz

TUMUTOL-3
Aquino, Bam
Hontiveros, Risa
Pangilinan, Kiko

ABSTAINED-2
Sotto, Tito
Tulfo, Raffy

HINDI NAKADALO-4
Cayetano, Pia
Escudero, Chiz (Papabor sana kung nakadalo)
Villar, Camille
Lapid, Lito

Dahil dito, pormal na hihilingin ng Senado ang house arrest kay FPRRD sa ICC. 

KAUGNAY NA BALITA: Itinuwid pahayag ni Kaufman: Malacañang, may nilinaw tungkol sa interim release ni FPRRD

Inirerekomendang balita