December 15, 2025

Home BALITA

Bogo City, isinailalim na sa state of calamity

Bogo City, isinailalim na sa state of calamity
Photo Courtesy: Bogo City Government, CPAC (FB)

Isinailalim na sa state of calamity ang Bogo City matapos itong yanigin ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes ng gabi, Setyembre 30.

Ayon sa resolusyong 233 - 2025 ng pamahalaang lungsod, pinahihintulutan nang gamitin ang calamity funds sa lugar sang-ayon sa mga umiiral na batas at regulasyon.

“Pursuant to Republic Act No. 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, the declaration of a state of calamity will enable the City Government of Bogo to access the quick response fund and undertake other necessary measures on relief, recovery and rehabilitation," saad sa resolusyon ng Bogo City Government.

Minosyonan ito ni Bogo City Councilor Santiago Oliamot na pinagkaisang sinegundahan ng iba pang konsehal.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak