December 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Arron Villaflor, nanawagan ng dasal para sa Cebu pero netizens, may naalala

Arron Villaflor, nanawagan ng dasal para sa Cebu pero netizens, may naalala
Photo courtesy: Arron Villaflor (IG)

Usap-usapan sa ilang social media pages ang panawagan ng aktor at provincial board member ng ikalawang distrito ng Tarlac na si Arron Villaflor na mag-alay ng panalangin para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu noong Martes ng gabi, Setyembre 30.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:59 ng gabi naganap ang pagyanig na may magnitude 6.9 ang lindol na may lalim na 10 kilometro, at natukoy ang epicenter nito sa layong 17 kilometro hilagang-silangan ng Bogo City, Cebu (11.09° Hilagang Latitud, 124.13° Silangang Longhitud).

Isa lamang si Arron sa mga celebrity na umapela ng panalangin para sa mga naapektuhan ng pagyanig.

Ibinahagi umano ni Arron ang isang art card kung saan makikita ang kaniyang mensaheng "Pray for Cebu and those affected by the earthquake."

Tsika at Intriga

‘Ano yon itatapon ko lang pera ko?’ Vice Ganda, hindi bet tumakbo sa politika

Makikita ang larawan ni Arron sa nabanggit na art card na tila nasa anyong nagdarasal.

Bagama't mabuti ang intensyon ng nabanggit na art card, ilang mga netizen naman ang tila naalala ang hit teleseryeng "May Bukas Pa" na pinagbidahan ni Zaijan Jaranilla noong 2009.

Nagmukha raw "Santino" ang peg ng aktor-politician dahil sa kaniyang post, na kalaunan ay tila dinelete din.

Bagama't tila deleted na, na-screenshot naman ito ng mga netizen at kumalat na nga sa iba't ibang social media pages.

Isa sa mga social media page na nag-post tungkol dito ay ang "Follow The Trend Movement" o FTTM.

"Tarlac board member Arron Villaflor prays for Cebu," mababasa sa caption ng post, kalakip ang screenshot ng deleted post ni Villaflor.

Photo courtesy: Screenshot from FTTM/FB

Isang netizen naman ang nagtanong at nagkumpirma kung talaga bang pinost niya iyon.

"Yes. Now-deleted post," sagot naman ng admin ng FTTM.

Maging ang komedyanteng si Beki Mon ay nagkomento rin tungkol dito.

"kakanood nya yan kay Santino noong araw," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Beki Mon via FTTM/FB

Narito naman ang ilan pa sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Santino ang atake."

"Dinaig si santino"

"Lumaki na si santino grabe!"

"Na para bang sya ay isang santo"

"Wag kayo ganyan Kay SANTINO magagalit si Bro."

"Pedro Calungsod ang peg"

"Parang Lorenzo Ruiz haha."

Samantala, nakipag-ugnayan naman ang Balita para hingin ang panig ni Villaflor subalit wala pang tugon mula sa kaniyang kampo.