December 12, 2025

Home BALITA National

Trillanes, sinabing 'sanay mambudol' pamilyang Duterte

Trillanes, sinabing 'sanay mambudol' pamilyang Duterte
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Pinatutsadahan ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang mga pinapalabas umano sa publiko ng pamilya at mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte partikular kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa sinabi niyang insidenteng nangyari sa dating pangulo. 

Ayon sa naging panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Trillanes nitong Martes, Setyembre 30, 2025, sinabi ng dating senador na sanay umanong “mambudol” ang pamilyang Duterte at iyon ang kanilang paraan para umano’y magsinungaling at manloko. 

“Alam n’yo po kasi, itong Duterte family, sanay itong mambudol, e. ‘Yon ‘yong kanilang go-to tactic, politically magsinungaling, [at] manloko,” ayon kay Trillanes. 

“Kaya ako naman, ito ‘yong ginagawa ko, binabasag ko ‘yong pambubudol na ‘yon,” pahabol pa niya. 

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

Pagpapatuloy ni Trillanes, inaasahan umano sana niya na magawang kuwestiyunin ng mga taong nasa The Hague, Netherlands ang mga anak at pamilya ni FPRRD kung totoo ang kanilang sinasabi tungkol sa pagkahimatay umano ng dating pangulo. 

“Hoping mo sa mga nag-iinterview sa kaniya do’n sa The Hague na ‘o ito, tatlong beses na nahimatay si [FPRRD]’ dapat tinatanong [nila] ‘kailan nangyari, e, kakalabas n’yo lang before nitong September 21. I think nagpa-interview noong September 29, wala naman silang sinabing gano’n. Ano ‘yon, sumusulpot lang?” anang Trillanes. 

Dagdag pa niya, itanong din sana ng mga tao sa mga kapamilya at anak ng dating pangulo kung bakit hindi naman umano nadala sa ospital si FPRRD sa kabila ng mga insidenteng nangyari sa kaniya. 

“Tapos sana tanungin nila, ‘di ba mayro’ng access sa inyo [at] nakikipag-usap [kayo] sa kaniya. Araw-araw, almost si Duterte[...] Bakit walang lumalabas[...] Tapos never siyang nadala sa ospital,” ani ni Trillanes. 

Giit pa ni Trillanes, hindi naman daw niya pinangungunahan ang posibilidad kung totoo nga umanong nangyari iyon kay FPRRD pero kung pagbabasehan umano nila ang mga ebidensya at ang mga sinasabi ng pamilya ng dating pangulo, malabo raw na totoo ang ipinapakalat nila. 

“Sabi ko nga, I am not ruling out na possibility na totoong nangyari ‘yan but based on the evidence at ‘yong mga sinabi nila before [ay] malabo na nangyari ‘yan,” pagtatapos in Trillanes. 

MAKI-BALITA: ‘Relaks lang nasa loob pa!’ Trillanes nagpasaring sa hiling na interim release ni FPRRD

MAKI-BALITA: ‘Relaks lang nasa loob pa!’ Trillanes nagpasaring sa hiling na interim release ni FPRRD

Ayon sa inupload ni Trillanes sa kaniyang Facebook noong Setyembre 27, 2025, ibinahagi niya ang larawan niyang kuha sa labas ng International Criminal Court (ICC).

“Relax lang po. Nasa loob pa si Duts. Nagha-hanapbuhay lang ang abogado niya,” saad ni Trillanes.

Samantala, wala pa namang sagot ang pamilya Duterte kagnay sa sinabing ito ni Trillanes. 

MAKI-BALITA: ‘Baka magkalat ka ng virus mo diyan!’ Pulong, may pasaring kay Trillanes

MAKI-BALITA: ‘This is cruelty!’ VP Sara, umalma sa umano’y pagbalewala ng ICC sa 'nakababahalang' kalusugan ni FPRRD

Mc Vincent Mirabuna/Balita