January 24, 2026

Home BALITA National

Rice import ban, posibleng i-extend hanggang sa katapusan ng taon

Rice import ban, posibleng i-extend hanggang sa katapusan ng taon
Photo courtesy: MB

Ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad ng extension ng rice import ban hanggang sa katapusan ng taon dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay sa bansa. 

“I met with the President last week, napagdesisyunan na i-extend ng minimum of 30 days ‘yong ating import ban. It is possible na end of the year pa ‘yan depende sa sitwasyon. Ang problema kasi, bumagsak na naman ang presyo ng palay,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel noong Lunes, Setyembre 29.

Ibinahagi rin niya na ang extension na ito ay kahilingan ng local rice millers at traders simula pa noong nakaraang linggo dahil sa kamakailang  pagbagsak ng presyo ng palay. 

Ayon pa sa ibang ulat, mula ₱14 hanggang ₱17 kada kilo sa ilang lugar, bumagsak sa ₱6 hanggang ₱8 kada kilo ang presyo ng palay, habang karamihan sa mga magsasaka ay nahihirapang magpatuoy ng kanilang ani dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulan. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

“It is quite alarming. That’s why, since over the weekend, nagtatrabaho lahat ng DA, NFA (National Food Authority), even the President, magkasama kami,” saad ni Tiu Laurel. 

Matatandaang sa rekomendasyon ng DA, ibinaba ni PBBM ang Executive Order (EO) 93 na nagsuspinde sa importasyon ng regular milled at well-milled rice sa bansa mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 30, sa layong matulungan ang mga magsasaka na mabenta ang kanilang palay sa tamang presyo.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba ng 60-day suspension ng rice importation sa bansa

Sean Antonio/BALITA