December 14, 2025

Home BALITA National

Palasyo sa pag-resign ni Zaldy Co: 'Walang makakapigil sa kaniyang mga desisyon ngunit...'

Palasyo sa pag-resign ni Zaldy Co: 'Walang makakapigil sa kaniyang mga desisyon ngunit...'
RTVM/YouTube, MB file photo

Nagbigay-reaksyon ang Palasyo kaugnay sa pagbibitiw sa puwesto ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Co noong Lunes, Setyembre 29, petsa kung kailan dapat siya nakatakdang umuwi ng bansa, ayon sa kautusan ni House Speaker Bojie Dy III.

Maki-Balita: 10 araw na palugit, ibinigay ni House Speaker Dy para makabalik ng bansa si Rep. Zaldy Co

"Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso," saad ng kongresista sa kaniyang pagbibitiw sa puwesto.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Maki-Balita: ‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto

Samantala, sa isang press briefing nitong Martes, Setyembre 30, sinabi ni Palace press officer Claire Castro na may karapatan si Co na mag-resign sa House of Representatives pero hindi nito maiiwasan kung magkakaroon itong kaso.

"Kung nag-resign po siya 'yan naman po ay kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil sa kaniyang mga desisyon ngunit kung magkakaroon man siya ng kaso at maisasampa, hindi niya po ito maiiwasan, hindi niya po ito matatakbuhan," ani Castro.

Dagdag pa niya, "So, mas maganda po rito kung siya man po ay masasampahan ng kaso, ipaglaban na lang niya ang kaniyang karapatan at ipaglaban ang katotohanan na naaayon sa kaniyang mga ebidensya."

Matatandaan ding kabilang si Co sa mga kongresistang pinangalanan na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

 Nauna na rin siyang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Kaugnay na Balita: Guteza natatanging testigong kumonekta sa pangalan nina Co, Romualdez—Marcoleta