Opisyal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes, Setyembre 29.
Sa pangunguna ni DPWH Sec. Vince Dizon, nanumpa na ang limang bagong undersecretary na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sina:
- Arrey A. Perez bilang Undersecretary for Operations
- Arthur V. Bisnar bilang Undersecretary for Regional Operations
- Charles T. Calima Jr. bilang Undersecretary for Special Concerns
- Ricardo P. Bernabe III bilang Undersecretary, Office of the Secretary
- Samuel Rufino J. Turgano bilang Undersecretary for Legal Service
Matatandaang sa unang press briefing ni Dizon bilang kalihim ng DPWH, isa sa kaniyang mga direktiba ay ang “clean sweep” sa ahensya o ang pagbibigay ng courtesy resignation sa mga kawani na mapapatunayang may kaugnayan sa mga anomalya sa flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Mga kontraktor ng ghost projects, ‘lifetime blacklisted’ sa DPWH – Dizon
Sean Antonio/BALITA